Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Search This Blog

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan

Friday, April 21, 2017

TIPS KUNG PAANO MAG'MOVE ON By: Nathaniel F. Naigan


TIPS KUNG PAANO MAG'MOVE ON
By: Nathaniel F. Naigan



                 Ang pag-ibig ay hindi lang puro sarap. Tulad nito'y kwadarong may mga pahinang ganap nang napunit, napupunit o mapupunit pa lamang. Kung sakaling tapos na yaring pinagkaiingatang relasyon, hayaan nyo't makaka-MOVE ON din kayo. Mahirap ba? Wag mawalan ng pag-asa. May PAG-ASA nga sa bagyo, tao pa kaya. At upang matulungan ang sugatang puso, narito ang ilang TIPS KUNG PAANO MAG'MOVE ON:



1. Clean your gallery and inbox. Diba nga magmo-move on? Bakit gabi-gabi mo paring pinagpapantasyahan ang selfie photos nya at paulit-ulit na binabasa ang mga sweet conversations nyo noon?


2. Naku bheztie! Utang na lamang loob, alisin mo na ang mga bagay na magpapaalala sayo ng nakaraan nyo tulad ng stuff toys, books, condom etcetera na niregalo nya sayo nung kayo'y nagta-tapchukan pa. PS: Wag mong sunugin. I-text mo ako't hahakutin ko.


3. The more na nagtatanim ka ng galit ay the more na tatagal ang move on process para sa'yo. Wag BITTER Ocampo. Just learn to forgive.


4. If girlaloo, magpaligaw but forbid yourself na mag-jowabelles agad. Unfair dahil magmumukhang panakip butas si boyling. If boylaloo ka naman, wag kang manligaw kungdi mo mahal. Kawawa ang babae. Wag kang manyak.


5. Don't ever unfriend him/her sa FB dahil mapaghahalataan kang sufer afekted. Wag ka ring maghihigante kung hindi ka higante at 5"2 below lang ang height mo. Haha. Peace.


6. Consider your ex's name as badword. Try to CTRL+C and CTRL+V the mechanics sa EX's-Name-Game sa movie na "That Thing Called Tadhana".


7. Indeed, life is short pero wag magmadali dahil makaka-move on ka rin. Minsan yung mga nagmamadali ang nadarapa at mas nasasaktan. Bilyon ang populasyon ng tao bukod pa ang aliens from the other planets na tinanggap natin tulad nila Son Gokou, Superman at Kokey. Mahahanap mo rin ang ka-red string mo. Pramiz.


8. Wag epal. Kapag broken hearted kailangan talagang maglasing, magbisyo at maging pariwara? G*go! Tulad mo'y na-heart broken din ako pero mas pinili kong magsulat ng tips para makatulong sa kapwa. At least kapakipakinabang pa.


9. Entertain yourself. Mag-join sa school activities with your classmaruruts and lakwatsa with your madlang dabarkadz na hindi bad influenza virus. Pwede ka ring makipagtext sa *808 (haha) o makipag-chat sa official fb ng Safeguard. Tanungin mo kung bakit 99.9 percent lang ng germs ang napapatay nila, nakakailag ba yung natitirang 0.1 percent? Haha


10. Huwag nang burahin ang number ng ex mo jan sa phonebook mo lalo na kung kabisado mo naman. Shungangerz na ladoopz lang ang fez? Wag na rin magpalit ng simcard kung itetext mo rin pala. Sayang na ang perang pinambili, nagmukha ka pang tangengot.


11. Mag-aral o magtrabaho nalang! Tadjakan kita jan ng horse shoe ko eh! Maaring mahal mo sya pero wag mo naman syang gawing sentro ng solar system mo dahil hindi sya araw. Natural na maging engot sa pag-ibig pero wag naman career'in ang pagiging engot forever dahil walang forever.


12. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo. Umutot ka! Sumigaw ka! Mag-post ka sa diary mo! Pwede mo ring daanin sa karaoke. Haha. Try to sing "Where Do Broken Heart Goes" o " How Am I Suppose To Live Without You" basta wag lang ang love song nyo ng ex mo.


13. Be with your beloved family and friends. Sila ang mga human-being na pwede mong sandalan lalo na kung masakit na ang likod mo kakaulit sa Tip No#12. Haha.


14. Uminom ng isang palangganang kapeng barako upang magising sa reyalidad na wala nang "KAYO" na nag-e-exist sa sanlibutan. For sure mahirap tanggapin yun. As in super maximum hirap to the highest leveling. Pero parekoy/marekoy, NO CHOICE ka eh.


15. Love yourself. Hindi lang ito titulo ng awitin ni Justine Bieber. Mahalin mo ang sarili mo. Kung broken-hearted ka, it doesn't mean na end of the world na tulad ng prediction ni Nustradamus at ng Mayan Calendar. Magpaganda o pagpagwapo ka! Wag mag-suicide dahil bibigyan mo pa ng problema ang iniwan mong pamilya kung saan kukuha ng pang-kabaong, kape at biskwet at pangpalibing mo.



Sana makatulong. LabYu!



Read. Like. Tag. Share.


TIPS KUNG PAANO MAG'MOVE ON
By: Nathaniel Naigan




REFERENCES:
  • https://www.facebook.com/nathaniel.naigan
  • https://www.facebook.com/nathaniel.naigan/posts/1248403311886859?comment_id=1248410118552845&reply_comment_id=1249067201820470&notif_t=feed_comment&notif_id=1475359945041213

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan