Ang Alamat ng Bitin na Lagok
By: Nathaniel F. Naigan
Bago umuwi ay
bumili muna ako sa bookstore dun sa isang mall na pinaka-malapit sa amin ng
libro na "Libro ng Kalokohang Aral" ni… sino nga bay un? Hahaha..
Nang makabayad na sa counter ay naglakad, sumakay sa eskileytor lumabas ng mall
at binilisan ang hakbang pauwi.
Medyo nauhaw ako kaya't
bumili ako ng buko juice sa kanto worth P10.00.
Inom.
Langya! Dalawang lagok lang
ang P10.00 na buko juice! Huhuhu.
At yan ang masalimuot na
Alamat ng Bitin na Lagok.
Kasi na man yung lalamunan ko
naman, parang kayang ubusin ang kalahati ng Pacific Ocean sa isang lagukan
lang.
At dahil wala na akong
magagawa ay ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad.
Left...
Right...
Left...
Right...
Left...
Left...
<STOP>
Ako: Oh, bakit nyo ako
pinahinto sa kina-career kong military march?
Crowd: Nakikita mo ba ang
nakikita ko?
Ako: Yung dalawang aso na
magkadugtong pa ang mga churva dahil kakatapos lang mag-churvahan?
Crowd: Shunga! Hindi!
Ako: Yung tindero na
nangungulangot habang nagluluto ng tinda nyang fishball?
Crowd: Hindi rin.
Ako: Yung tomboy na namimigay
ng flyers na hiring daw sa recruitment agency nila tapos hihingian ka ng
P500-P1,200 na pangpa-medical mo na requirement daw tapos yun pala'y scam lang?
Crowd: Wrong!
Ako: Ah. Alam ko na. Yung mga
magkakaibigan ba na iyon na ang sweet habang dahan-dahang naglalakad? Yung
magkaka-holdinghands pa kahit napaka-liit ng daanan. Tapos yung mga taong nasa
likod nila na halatang nagmamadali ay naka-busangot na ang mga mukha dahil sa
pagka-irita?
Crowd: Mali parin. Yun oh.
< at sabay-sabay pinatulis ang nguso para malaman ko kung ano ba talaga ang
tinutukoy nila >.
Gumuhit ako ng imaginary na
linya na magiging guide ko mula sa kanilang mga nguso papunta sa poste ng
kuryente na tadtad ng mga posters ng mga photoshoped na litrato ng mga
pulitiko, patungo sa isang pader na may naka-vandal na "Bawal mag-vandal
dito"(toinks lang), patungo naman sa isang simbahan na maraming mga
kabataan na sahalip na pumasok sa simbahan at magbawas ng kasalanan ay mas
pinili pang makipaglampungan sa kanilang mga kasintahan (ang mga higad na ito,
ginawa pang SOGO Hotel ang banal na simbahan! Respeto naman! Mahiya naman
kayo!)
<share lang: habang
sinusulat ko ang part na ito, nahulugan ako ng Encyclopedia Britanica sa
mismong mukha ko. :-( .... share lang #BUKOL>
Mula dun sa mga
naglalampungang mga kabataan ay muling gumalaw ang imaginary line patungo sa
aking........ tabi. Langya again, ang layo ng nilakbay ng linya na ito tapos sa
tabi ko lang pala pupunta, eh kung suntukin ko kaya itong linya na ito?
Nakakalalaki na eh!
Biglang nalusaw ang galit ko
dun sa bwesit na linya nang makita ko ang isang kaganapan sa aking tabi... opo,
sa tabi ko po. Siguro 1 centimeter and 1.2 inch ang distansya mula sa
kinakatayuan ko.
Lalaki: Tumigil ka nga dyan
sa kaka-iyak! Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumapangit.
Babae: <iyak+singhot
sipon>
Lalaki: Hindi ka ba talaga
titigil? Makikipag-break talaga ako sayo!
Babae: <iyak+singhot
sipon>
Lalaki: Bwesit talaga! Dyan
ka na nga. Break na tayo!
Babae: <iyakx30 + singhot
sipon x100>
Biglang umusok ang mga butas
ng aking dambuhalang ilong. Kaya nasisira ang dati nang sira na emahe ng mga
lalaki dahil sa mga katulad ng kolokoy na 'yun.
Lagi sana nating tandaan na
ang papel natin ay maging hari ng isang reyna. Ang mga babae ay natural nang
mga topakin at ang pagsubok sating mga kalalakihan ay kung paano natin
pakikibagayan ang topak nila.
Yung tumutulo man ang luha
nila'y punasan natin ito ng ating panyo ng sinseridad (wag yung panyo na ginamit
mo na sa libagin mong leeg o yung pinamunas mo sa malansang lababo).
At wala kang karapatang
sabihan siya na pangit siya (lalo na kung mas pangit ka). Tandaan mo sana na
responsibilidad mong sabihin sa kaniya sa bawat pagkakataon na siya ang
pinaka-magandang babae sa 'yong paningin at walang ibang mas hihigit pa sa
kaniya kahit si Mariane Rivera, Lyza Soberano, Tulisa Costostavlos, Demi Lovato, Lalla Hirayama o Alesha Dixon man ang ipang-kompara sa kanya.
Evan Peters comforted Emma Roberts |
Agad akong lumapit sa
kaawa-awang babae at kinausap sya. Unti-unti naman siyang tumahan pero patuloy
parin sa pagsinghot sa kulay berde nyang sipon na dumadaloy na papunta sa
ibabaw na labi (eeeeeeew!!!).
Ako: Ayos ka lang ba
ms.Beautiful?
<galawang HOKAGE>
Babae: Oo. <singhot
sipon>
Ako: Ayos lang yan. Unting
tampuhan lang 'yan. Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo. Pagsubok lang yan, at
bahagi ng isang relasyon ang pagsubok upang maging mas matatag kayo (feeling
Papa Jack na ako).
Babae: Eh, hindi ko naman yun
boyfriend eh. <singhot sipon> Hindi ko nga yun kilala.
Ako: Oh, eh bakit mo
iniiyakan?
Babae: Eh, tinapakan nya yung
paa ko ng combat shoes nya eh. Syempre nasaktan ako, kaya umiyak ako. May batas
na bang naipasa na bawal umiyak kapag natapakan ng combat shoes?
(May punto naman sya.)
Ako: Hindi mo pala kakilala,
eh bakit sya nakipag-break sayo?
Babae: Ewan ko dun. Adik yata
yun eh.
Ako: K
Nagpaalam na rin ako at
ipinagpatuloy na ang naantala kong pagmamartsa. Langya, na-WOW MALI pa yata
ako. Haha..
No comments:
Post a Comment