Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Search This Blog

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan

Saturday, April 22, 2017


Masaklap na Kapalaran ng Taong lansangan
By: Nathaniel F. Naigan


Yun oh! Tirik na tirik ang sikat ng araw.

Sobrang init!

Kasalukuyan akong nakasilong sa lilim isang maliit na puno ng acasia sa gilid ng national road. Kay swerte mo liyag na ika'y nakatayo pari't kay yabong yaring mga luntiang dahon. Bilang nalang ang mga punong nakatanim sa Metro at Mega Manila. Mas marami pa nga yata ang mga tagyawat ko kesa sa mga puno rito.

Ito nga marahil ay isa lamang sa mga hindi mapipigilang resulta ng patuloy na pag-unlad sa bawat kabihasnan: BYE BYE mga puno't halaman, HELLO nagsisitaasang mga gusali.

kurtisi op jojopensica prom picssr.com






Ilang minuto ko narin sigurong iniikot-ikot ang aking malaking ulo upang ganap na matunghayan ang kapaligiran nang mula sa aking likuran ay may kumalabit sa akin. 360 degree kong inilibot ang aking katawan upang makita ang isang lalaking pulubi na umaalingasaw ang amoy na para bang 38,626,282 months and 30.5 days nang hindi naliligo. Suot nito'y marumi, maluwag at gulagulanit nang t-shirt at maong pants. Mahaba na ang buhok nito sa iba't ibang bahagi ng mukha (wag na nating isama pa sa deskripsyon ang buhok sa kilikili at sa KWEK KWEK nya. Ok? Haha).

Pulubi: Ahmmm. Excuse me?
Ako: Wow! Spokening dollar si kuya.
Pulubi: What? I can't understand you sir.
Ako: Are you serious?
Pulubi: Yeah.
Ako: Ok ( naubusan agad ako ng Ingles eh).
Pulubi: Can I ask for some penny? Please. I need to buy some foods coz' i'm a little bit hungry.
Ako: I don't have money. But i do have biscuits here. You want?
Pulubi: Biscuits? Duh! I don't eat cheap foods.
Ako: <NGANGA>.
Pulubi: Oh common! Faster! I need some money as soon as possible. My coleagues are already waiting for me there! <with matching turo pa dun sa Japanese restaurant>.

Bwesit na ito! Namamalimos na lang, aarte pa! Tsaka, ako nga nagtitiis sa tusok-tusok na streetfoods sa kakatipid ng perang pagkakasyahin ko pa sa loob ng isang buwan tapos sya na pulubi, hihingian ako ng pera para lang makakain sya sa mamahaling Japanese restaurant? Naku! Ang sarap magmura!Ang lalaking yun eh physically fit naman na pwedeng magtrabaho kahit na construction worker o bagger sa mga factory. Sa Ingleserong dila nya ay maaari naman syang pumasok na costumer services representative sa kahit anong call center company. Kaya lang, wala eh. Mas piniling magpalimos at manatiling tagalimos.Gusto ko sanang bugbugin na ito kaya lang baka may umaaligid na alagad ng Commission on Human Rights at makasuhan pa ako. Tsk tsk.

At dahil alam kong hindi kayo naniniwala sa kwento ko tungkol sa pulubi, aaminin ko na. Echoz lang yun mga besstie! Wala namang pulubi sa Pilipinas na may dilang kano. At kung meron man, EDISHING! Edi wow. Hehe.

Sa tuwing nakakakita ako ng pulubi ay umiiwas ako hindi dahil sa bato ang puso ko ngunit hindi dapat natin sila limusan. Mga parekoy at mga marekoy, wala namang masama kahit magbigay ka ng walong milyong dolyar sa bawat pulubing makasalubong mo ngunit pagkatapos nun ay ano? Sabi nga nila'y "Don't give them a fish, just teach them how to fish."


Isang araw paglabas ko sa isang mall sa Alabang, Muntinlupa City ay nahagip ng aking mata ang isang pulubi. Tantsa ko'y 5"7 ang height, katamtaman ang pigura ng katawan, obviously marumi at mabaho with matching gulagulanit na damit. Ngunit hindi yan ang nakakuha ng aking atensyon kundi ang katotohanang wala namang depekto sa ano mang bahagi ng kanyang katawan. Nakakalungkot mang isipin na habang ang mga pilay, pipi, bingi at bulag ay patuloy na nagsusumikap na maiangat ang sarili upang hindi kutyain ninuman ay narito naman ang isang halimbawa ng isang taong wala namang kapansanan ngunit tila inutil naman. Biktima nga lang ba sila ng bulok na sistema ng lipunan o sadyang sya mismo ang pumiling maging kabute samantalang kaya naman nyang maging matatag at mataas na punong kahoy.

Ano man ang dahilan, wag na lang sana nating tularan.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan