Bawat Daliri sa Bawat Kamay
By: Nathaniel Naigan
Wag mong ihalintulad ang iyong
sarili sa ibang tao dahil bawat isa sa atin ay parang mga daliri ng ating mga
kamay. Yung hinlalaki na nagsisilbing ating identity lalo na sa thumbmark na
requirement sa ilang mga importanteng dokumento tulad na lamang ng Police
Clearance, NBI Clearance, sa pagpa-biometrics para sa eleksyon at marami pa.
Ang ating hintuturo na ang silbi ay ang pagturo at pagpili. Ang ating gitnang
daliri na syang secret weapon natin kapag may gusto tayong murahin lalo na kung
tayo'y galit o sinaktan ng ating kapwa (Paalala sa mga kabataan: iwasan natin
ang paggamit nito. Please lang. Haha). Ang katabi naman nitong daliri na syang
dapat natin i-reserba sa singsing na syang simbolo ng wagas na pagmamahalan. At
ang pinaka-importanteng daliri...ang hinliliit. Bakit naman hinliliit ang
pinaka-importanteng daliri? Ito ay sa kadahilanang kung wala ang ating
hinliliit, siguradong hindi na tayo makakahinga dahil barado na ng kulangot ang
ating mga nagmamalaking ilong.
See? There you have it: the vital
roles of each finger in our prolific world! Ten te ne nen ne nen! (insert 20th
Century Fox sound effect).
Narinig ko lang yan mula sa hinding
hindi ko malilimutan na usapan namin ng aking tatay nung minsang sinumbatan at
tinanong ko sya kung bakit yung mga kapatid nya ay mga huwarang public teacher,
university professor, veterinarian, chemist, church minister at civil engineer
samantala sya'y hamak na pobre lamang na syang rason kung bakit hindi sapat ang
kinakain namin araw-araw; kung bakit hindi ako makabili ng bagong damit,
sapatos o tsinelas man lang; kung bakit napag-iiwanan na ako ng aking mga kapwa
mag-aaral na karamihan ay may mga gadget na; at kung bakit kami minamaliit ng
ibang tao.
MATALINONG TARANTADO
ako nung hayskul ako eh. Sarili ko lang ang iniisip ko ng mga panahong yun.
Alam mo yun? Yun bang tinatawag nilang "rebelde".
Pero nung ipinaliwanag sa akin ng aking tatay
yung tungkol sa mga daliri na iyon, naliwanagan ako. Blazing realization
suddenly struck into my pathetic mind (basta lang maka-Ingles, serry
nemen!hehe).
Nagkamali ako. Hindi ko manlang naisip na yung
mga tanong na iyon ay tila punyal pala na itinutusok ko sa aking ama... aking
ama na syang nagbigay sa akin ng buhay.
Sa aking saglit na pagninilaynilay ay aking
naibulong sa sarili na higit pa sa kung sinong propesyunal na tatay si Mang
Jonathan. Hindi man sya doktor o guro o enhinyero o pulis o pulitiko,
mananatiling PINAKA sa puso ko ang aking tatay.
No comments:
Post a Comment