Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Search This Blog

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan

Saturday, April 29, 2017

GREATEST VILLAIN OF ALL TIMES By: Nathaniel F. Naigan

GREATEST VILLAIN OF ALL TIMES
By: Nathaniel F. Naigan



Kamakailan lang ay binisita ako ng isang panaginip. Nasa gitna daw ako ng madugong sagupaan. Ngunit hindi ako ang bida sa pagkakataong yaon. Sa katunayan nga'y kalaban ko sila Captain Barbell, Darna, Super Inggo, Lastik Man, Super Islaw, Juan Dela Cruz, Krystala, Flash Bomba, Super Inday,  Agimat, Enteng Kabisote, Vultra, Gagamboy, Pedro Penduko, Kamandag, Kumander Bawang, Super Twins, Joaquin Bordado, mga Batang-X, Dragona at si Panday. Samantalang kaanib ko naman sa paghahasik ng lagim ang White Lady sa Balete, Valentina, Kamatayan, Maria Labo, Halimaw sa Banga, Chaka Doll, Lucia Joaquin, si Haring Hagorn at ang mga Hathor sa Encantadia, Mga Ravena na kalaban ng mga Mulawin, ang Anak ni Janice, mga kapre, itim na dwende, baklang tikbalang, ang haggard na aswang, mga drug lords, mga terorista at mga pusang inaatake ang tinatago nating ulam sa kalaliman ng gabi.

Habang nakikipaglaban ay naisip kong maaari pala tayong gumawa ng isang grupo ng mga Pinoy Superheroes at Pinoy Super Villains na maaaring ipangtapat sa mga fictional characters ng mga banyagang bansa (kahit na karamihan ay kaparehas ng itsura at kapangyarihan sa mga superheroes ng DC at Marvel comics).

Sa huli'y natalo kami, hindi nagwagi ang mga kampon ng kadiliman. Narinig ko pang nagsihiyawan sa saya ang mga nanonood sa laban na para bang nanalo na naman si Manny "Pacman" Pacquiao laban sa isa na namang kampeon na Mexican boxer.

Kung si Batman at Deadpool ang paborito kong fictional characters sa comics, may mga paborito rin akong villains: si Joker at si Thanus.

"Why so serios?," pakiramdam ko'y bumubulong sa akin si Joker sa tuwinang nakabusangot ang aking napakapangit na mukha dahil sa pinaghalo-halong stress sa trabaho, kakapusan sa pera, sobrang bagal na daloy ng trapiko, polusyon at dahil na rin sa pagtubo na naman ng mga aking tagyawat.

Tulad ni batman ay wala ring kapangyarihan ang henyong payaso ngunit tinagurian na syang GREATEST VILLAIN OF ALL TIMES. Alam nyo bang tulad ng Justice League ay may grupo o asusasyon din ang mga makapangyarihang kontrabida sa DC comics? At sa tuwinang magkakaroon sila ng pagpupulong ay hindi nila iniimbitahan si Joker dahil kinakatakutan nila ito. Ang mga super villains na may super powers ay nangangatog ang tuhod sa tuwing naririnig ang pangalan ng mahinang payaso. Ngunit tulad sa totoong buhay ay may kahinaan din si Joker at yan ay ang pagmamahal nya kay Harley Quinn. KILIG MUCH!!! Mas napatunayan ko tuloy na ang kahinahan talaga ng mga lalaki ay mga babae. Kaya kayong mga babae, wag nyo namang samantalahin ang kahinaan namin. Hehe.
Paborito kong qoutes ni Joker ay ang “They need you right now, but when they don’t, they’ll cast you out like a leper!” na nagsasaad ng reyalidad na VIP ka lang sa paningin ng mga taong nakapaligid sayo kung may kailangan sila. Pero kung wala na, isa ka nalang kapirasong basura na itatapon nalangbkung saan-saan. Hustisya! May proper waste management system na! I-segrigate ang mga biodegradable at non-biodegradable. Kung may kaibigan kayong masyadong mapapel, sa biodegradable nyo itapon. Kapag may kaibigan kayong plastik, sa non-biodegradable nyo itapon. As simpol as dat!

Madalas ko ring gamitin sa mga speech ko kapag may mga event ang “We stopped checking for monsters under our bed, when we realized they were inside us.” Tama! Pilit nating hinahanap ang kamalian sa iba na hindi iniisip na may sarili rin tayong kamalian na mas mali pa sa mali ng ibang taong nagkakamali. Naghahanap ka ng mga rason upang maipilit na ang iyong kapwa ay halimaw ngunit tingnan mo ang iyong sarili. Baka nga mas masahol ka pa sa mga halimaw na tinuturing mong napaka-sahol. Tama! May mga halimaw sa loob natin na habang maaga pa'y kailangan nating puksain.

Isa pa sa mga paborito kong super villain ay si Thanus na syang kalaban naman ng Avengers, Guardians of the Galaxy at ni Dr. Strange na sana'y kilala nyo rin. Tagasakop ng sangkalawakan, yan si Thanos at ang nagbibigay sa kanya ng ibayong kakayahan ay ang Infinity Gauntlet, isang ginintuang glove na may anim na batong nakakabit. Ang mga batong ito ay ang Infinity Stones na may iba't ibang kulay at iba't ibang kakayahan.

Kung nasa kostodiya ko lang ang Infinity Gauntlet na yun ay gagamitin ko ang mga batong nakakabit dito hindi upang sakupin ang buong kalawakan kundi upang gumawa ng mas kapaki-pakinabang na mga bagay. Gagamitin ko ang ang mga bato upang maging si Darna... este gagamitin ko ang mga batong yun ayon sa kanilang kakayahan tulad ng mga sumusunod:


1. SOUL Stone-ang kulay berde na batong ito ay may kakayahang kontrolin ang mga kaluluwa, kunin man ito sa isang katawan o ibalik mula sa hukay. Hindi ko nanaising kumuha ng buhay ng kaluluwa lalo na ng mga walang kwentang tao na ang tanging ambag lamang sa siyudad ay kriminalidad at katiwalian. Sahalip ay muli kong bibigyan ng buhay ang mga sanggol o magiging sanggol pa lamang sana ngunit ipinalaglag at itinapon lang sa mga basurahan hindi upang maging tiyanak sila bagkus ay makamtan nila ang karapatang masilayan ang mundong ibabaw, karapatang ipinagkait sa kanila ng mga makasalanang magulang. Muli kong ibabalik ang kaluluwa ng mga bayaning minsan nang naging instrumento upang makamtan ang kasarinlang animo'y wala nang halaga sa kasalukuyan para sa iba. Huhugitin ko mula sa kalangitan ang pambansang bayani na si Pepe nang sa gayo'y saba'y naming isusulat ang karugtong ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na ipambabato namin sa bagong henerasyon. Muli kong bubuhayin ang mga myembro ng SAF 44 na namatay sa engkwentro sa Mamasapano at ang mga kabaro kong personalidad ng medya na pinagpapapatay ng pinaghihinalaang mga tao ng mga Ampatuan. Sana. Sana. Sana lang ay hindi maging Walking dead, World War Z, Resident Evil at Zombie Land ang tema ng Pilipinas kung gamitin ko ang SOUL Stone. Hehe.
2. REALITY Stone-ang kulay dilaw na batong ito nama'y kayang imanipula ang kalagayan ng utak mula sa pangarap patungo sa reyalidad. Masaya siguro kung bawat pulubing natutulog sa tabi ng mga lansangan ay magkaroon ng sariling tahanan. Maginhawa siguro kung ang matrikula sa mga paaralan at mga gamot sa pagamutan ay hindi nakakabutas ng pitaka. Mas nakakatuwa marahil kung ang aatupagin ng mga iniluklok nating mga opisyales sa pamahalaan ay ang pagbigay ng serbisyo, proyekto at mga polisiyang mas mapapakinabangan ng lipunan at hindi puro personalang bangayan. Mainam siguro kung walang bibili't magpapabili ng sagradong boto at walang dayaan sa bawat halalan. Kayganda pagmasdan ng mundong luntian at hindi puro kahong bato na nagtataasan. Lahat ng mga iyan ay nais kong maging makatotohanan. Isang pangarap, malaking pangarap. Ngunit paano kung ang imposibleng pangarap ay maisasakatuparan gamit lang ang isang bato?

3. TIME Stone-ang kulay orange na batong ito'y kaya kang ibalik sa nakaraan at dalhin sa hinaharap. Kung mayrun ako nito, gagamitin ko ito upang bumalik sa nakaraan upang muli kong matunghayan ang mga pangyayari sa buhay ko dati hindi upang may baguhin dahil sa mga memoryang yaon nagmula ang ediyolohiya ko ngayon. Nais kong makita ang reaksyon ni mama at papa nung ako'y isinilang nung madaling araw sa ika-pito ng abril taong 1993 sa Batasan Hills, Quezon City. Nais kong balikan ang mga araw na masaya akong nakikipaglaro sa mga kababata ko. Mga panahaong walang problema sa trabaho, bayarin sa tubig at kuryente, mataas na buwis, pagtaas ng presyo ng langis, pulitika at terorismo. Nais kong muling masilayan ang inosente kong mukha sa tuwing nakaka-shoot ng bola si Sakuragi ng Slum Dunk, sa tuwing natatalo ni Son Gokou ng Dragon Ball, Gon ng Hunter X Hunter, Recca ng Flame of Recca at Eugene ng Ghost Foghter ang kani-kanilang mga kalaban. Nais kong makita ang pawisang bata na ako na naglalaro ng football, piko, maiba-taya, tagu-taguan, yoyo, mini-text, beyblade at Yu-Gi-Oh duel cards. Nais kong makita ang namumula kong maitim na mukha sa tuwing nakikita ko ang crush ko nung hayskul. Nais kong muli na mag-organisa ng mga seminar, team building activities, quiz bee, singing contest, pageant, dula-dulaan, intramurals at iba pang mga aktibidad sa kabila ng kaalamang medyo napabayaan ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo dahil sa mga extra-cullicular activities. Marami rin akong pangit na mga nakaraan na nais kong balikan pero hindi ko babaguhin kung bigyan man ako ng pagkakataon. Dahil ang aking nakaraan ang mga pahina ng libro ng aking buhay. Mapunit o mawala man ang kahit isang pahina'y kulang na ang kwento ng aking libro na puno ng kalokohang aral.

4. MIND Stone-ang kulay bughaw na batong ito ay maaaring mabigyan ng kakayahan ang sino mang may hawak ng abilidad na makabasa o kontrolin ang utak ng mga nilalang sa buong kalawakan. Gagamitin ko ito upang gabayan ang isipan ng mga motorista upang maging responsable sa pagmamaneho ng kanilang mga sasakyan nang sa ganun ay wala nang aksidente o mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsada. Isa marahil sa mga hadlang sa pag-abante ng ating bansa ay ang mga pader na bumabalot sa bawat lider magmula sa baranggay hall, municipal hall, city hall o maging ng Malacañang. Kung ako 'y magiging kapitan, konsehal, alkalde o bise alkalde, bokal, gobernador o bise gobernador, kongresista o maging presidente ng Republika ng Pilipinas at gagamitin ko itong bato ay maaari kong marinig ang inahing ng bawat Juan Dela Cruz, maririnig ko ang hikbi ng mga pamilyang kumakalam ang sikmura, mababasa ko ang punto de vista ng mga mag-aaral na nagsisiksikan sa maliit na kahon ng posporong walang sapat na silya at aklat, matatanto ko ang damdamin ng mga lokalidad na sinalanta ng malalakas na bagyo at biktima ng mga lindol, maririnig ko ang bawat hagulgol ng mga inosenteng mamamayan na naiipit sa mala-forever na mga bakbakan sa pagitan ng mga militar ng pamahalaan at mga makakaliwa. Kung meron ako ng batong ito ay dudurugin ko't ipapamahagi ko sa mga pinuno ng bawat opisina ng gobyerno.

5. SPACE Stone-ang kulay ube na batong ito ay may kakayahan namang kontrolin ang distansya at mga elementong bumubuo sa bawat distansya. Kung meron lang sana ako nito'y makakapunta ako sa mga lugar na nais kong puntahan. Hindi ko na kailangang mabwesit sa mabagal na daloy ng trapiko sa pagpasok sa trabaho. Madadala ko na rin ang pamilya ko sa Eiffel Tower ng Paris, Pyramid of Giza ng Egypt at Statue of Liberty ng USA. Pero mas uunahin ko paring bisitahin ang Luneta Park, Cagsawa Ruin at Mayon Volcano ng Albay, mga butanding at mga hot spring ng Sorsogon, Boracay Island ng Aklan, Enchanted River ng Surigao, Crystal Cave ng Palawan at pupuntahan ko rin Spratly Island sa West Philippines Sea upang ibandila ang watawat ng Pilipinas sabay papalayasin ang mga banyagang umaangkin sa teritoryong dapat ay sa atin. Aaraw-arawin ko rin tiyak ang pagbisita sa mga pinaka-masayang lugar sa buong mundo tuwing tanghalian, ang studio ng Eat Bulaga ng GMA at Its Showtime ng ABS-CBN. Ang sarap siguro ng pakiramdan kung may Space Stone ako.

6. POWER Stone-ang kulay pulang batong ito ay may kakayahang magbigay ng ibayong lakas sa sino mang may hawak nito at ibahagi ang lakas sa kapwa. Kung meron ako ng ganitong bato ay gagamitin ko ito para bigyan ng lakas ang mga taong nanghihina na dahil sa tila wala nang katapusang pagsubok ng buhay. Bibigyan ko ng lakas ang mga nawawalan na ng pag-asa. Bibigyan ko ng lakas ang sambayanan para malagpasan ang mga krisis ng ating bansa.

Monday, April 24, 2017

I Wanna' Be A SuperHERO By: Nathaniel F. Naigan

 I Wanna' Be A SuperHERO
By: Nathaniel F. Naigan


Minsan na akong natanong kung sino ang hero na gusto kong maging. Kung nung panahong nasa elementarya o hayskul pa ako ay siguradong Superman ang isasagot ko dahil sa angkin nitong kapangyarihan. Sino nga ba namang tao ang ayaw makalipad, na hindi makaramdam ng sakit sa pambubugbog o sa mga bala ng matataas na kalibre ng baril at makaikot sa buong mundo sa loob lamang ng ilang segundo? Sino? Kung superhero ang pag-uusapan ay imposibleng hindi pumasok sa kokote mo si Superman, the Man of Steel ng Justice League. Kung hindi mo sya kilala, baka tulad mo rin syang taga-ibang planeta.



Ngunit iba ang aking isinagot sa nasambit na katanungan. Sino nga ba ang gusto kong maging? Tantanantan! Walang iba kundi si Batman. Agad na tumaas ang makapal nyang kilay at lumapit sa aming katrabaho upang ikwento habang walang humpay sa paghalakhak. Nang matapos ang kwento'y sabay-sabay silang tumingin sakin at nagsitawanan na para bang nakatapak ako ng mabahong jackpot sa lansangan. Samantalang ako, ngumiti lang at nanatiling tahimik.

Batman? Bakit si Batman? Dahil ba mahilig ako sa ekspresyon na "Bahala na si Batman" ng mga tinatamad na mga unggoy? Offcurse nut!

Marahil walang ekstraordinaryong kakayahan si Batman kung ikukumpara kay Superman, Captain Marvel o Spiderman pero pagiging hero ang usapan dito at hindi powers.

Wala mang kapangyarihan ay nakaya nyang iligtas ang mga naaapi hanggang dumating nga sa puntong tinagurian na syang bidyelante ng mga kinauukulan.

Bago pa man ipalabas sa mga movie screen ang pelikulang "Batman Vs. Superman" ay alam ko nang mananalo si Batman. Kung tutuusin ay mapapatay nga nya sana ang Man of Steel kung hindi lang sya inawat ng love partner ng huli. Sya pa nga ang nag-buo sa grupong Justice League na bukod sa kanya at kay Superman ay kinabibilangan ng mga Meta-Human na sila Wonder Woman, Aquaman, Flash, Cyborg, Green Lantern atbp. Yah' got the image ma' frand? Meta-Human! Lahat sila ay may superpowers at ang nag-buo ng grupo nila ay isang hamak na ordinaryong tao na walang ano mang kapangyarihan. Take note: Bukod kay Lex Luther na syang naka-diskubre sa mga kinalalagyan noon ng mga Meta Human, tanging si Batman lang ang nakakaalam ng mga kahinaan ng Justice League members.


Deadpool, pangalawang hero na gusto kong maging... oooops, hindi pala sya fulltime na hero, partime villain sya. Isa sa mga pagkakataon nang dukutin nila si Dr. Bruce Banner aka Incredible Hulk ng Avengers na kinabibilangan naman nila Captain America, Ironman, Thor, Hawkeye atbp. Pero bumawi naman sya nang iligtas nya si Arcangel mula sa bingit ng kamatayan at nang tulungan nya ang ilang myembro ng X-Men sa pakikipaglaban. Nabasa ko lang sa comics kaya ibinahagi ko. Wala pang pelikula eh. Haha. Pero ang bottom-line, masama man sya ay nangingibabaw parin sa kanya ang pagiging mabuti.


Pag-uwi ko'y pumasok sa akin utak ang reyalisasyon: tulad din pala ako ng komon tao na medyo mababaw mag-isip. Ang mga hero na nabanggit ko ay mga kathang isip lang. Ang dapat sanang bayani na isinagot ko ay ang mga bayaning nakapag-ambag ng makatotohanang elemento na naka-apekto sa aking pagkatao.


Kung maibabalik ko lang ang mga kamay ng orasan at muli akong tanungin ng kaparehas na tanong ay walang habas na ipagsisigawan ko ang pangalan nila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna, Gregorio Del Pilar kabilang na ang mga Pilipinong walang takot na isinugal ang kanilang buhay sa pakikipaglaban sa mga mananakop upang makamtan ang tinatamasa natin ngayong kapayapaan at upang maiwagayway ang bandila ng ating bansa. Kung hindi sa kanila'y marahil hindi Lupang Hinirang ang inaawit ng sambayanan at hindi bandila ng Pilipinas ang itinataas sa tuwinang may flag ceremony.

Mas angkop din na ituring na superheroes ang mga OFW's na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga kamag-anak sa Pinas sa kabila ng katotohanang may mga kababayan tayong umuuwi rito na nakakahon na at yung iba nama'y napagbintangan na nagdala ng droga at binibitay na sa bansang yaon.

Indeed, we are presently living in a world full of insane systems. Kapag ang mga Pinoy ang napagbintangan na may dala ng katiting na droga, bintay agad. Samantalang dito sa Pilipinas ay napakaraming mga banyaga ang nahuhuli hindi lamang dahil nahulihan ng isang maliit na sachet ng droga kundi may sarili pang pabrika! And then what? Nabitay ba sila dito sa Pilipinas? Again, indeed, we are presently living in a world full of insane systems.

Karapatdapat ding ituring na superheroes ang mga responsableng drivers na sweet lovers na pumapasada umulan man o umaraw.

Karapatdapat ituring na superheroes ang mga magsasaka na tagaktak lagi ang pawis para lang mapakain ang sambayanan.

Karapatdapat ding ituring na superheroes ang mabubuting mga guro lalo na ang mga natutungo sa mga liblib na lugar para lang makapagturo sa mga kabataan kahit na kakapiranggot lang ang sahod.
Karapatdapat ding ituring na superheroes mga matitinong tanod, sekyuriti gard, pulis, bombero, rescuer, nurse at doktor na nagliligtas sa atin sa panahon ng kapahamakan.

Marami pa akong hindi nabanggit. Basta sa lahat ng mga taong ginagampanan nang matino ang kanilang mga responsibilidad sa lipunang ating ginagalawan, kabilang kayo sa mga tinuturo kong superhero.

Ang superheroes ng buhay ko: ang aking papa Jonathan at mama Leonila pagkat sila ang nagbigay sa akin ng aking buhay. Kung wala sila ay siguradong hindi nyo ngayon nababasa ang Libro ng Kalokohang Aral.


May mga superhero na imposible nang mabuhay pa dahil sa kalagayan ng ating mundo. Isang halimbawa ay ang Marvel hero na si Dare Devil, isang bulag na abugado sa umaga at isang crime-fighter sa gabi. Sa kabila ng kawalan ng kakayahan na makakita ay nabiyayaan naman sya ng ekstra ordinaryong pandinig. Yun bang ultimu bulungan ng mga losyang na mga tsismosa sa isang squaters' area sa Las Piñas ay maririnig nya kahit nasa Quezon City pa sya. Ganun kalakas ang sense of hearing . Sana ganyan din ang pandinig ng taong mahal ko para malaman nya nang pangalan nya ang binibigkas ng puso ko.

Pero duda ako kung kaya nyang tumagal ngayong milenyo. Kung ang bulungan palang ay sigaw na sa kanyang tenga ay ano nalang kaya ang malalakas na busina ng mga bus at jeepney, sirena ng mga sasakyan ng Bureau of Fire Protection na sumasaklolo sa mga tumpok ng tahanan na sinasadyong sunugin ng mga Conscio Pilato at siguradong mabibingi rin sya sa tunog ng palitan ng putukan sa tuwing nagkakasagupa ang mga militar at mga terorista. Goodluck sa eardrums ni Dare Devil sa noise pollutions.

Makakatagal din kaya ang X-Men member na si Iceman? I doubt. Madali syang matutunaw dahil sa temperaturang mas hot pa kesa kay Arci Muñoz, Ann Curtis, Jessie Mendiola at sa mga naging at magiging cover ng FHM. Hindi na balanse ang init at lamig dahil sa climate change na bunga diumano ng pagkabutas ng ozone layer ng earth.

Lookin' at the positive side. Kung maka-survive man si Iceman ay siguradong magiging matagumpay na negosyante sya sa Pilipinas. Maaari syang magtinda ng ice candy, ice cream, ice buko, ice tubig, mais con yelo at halo-halo na hindi magbabayad pa ng mataas sa MERALCO dahil hindi na nya kailangan pang gumamit ng refrigerator na kumukunsumo ng mataas na bultahe ng kuryente.


Baka hindi rin makayanan ng Justice League member na si Aquaman ang mabuhay pa. Sa ilang comic series ay ipinakita na upang manatiling buhay at malakas ang Great Atlantis Ruler ay kakailangin nitong lumoblob sa tubig atleast once per hour.

Naalala ko pa ang isang sikat na political advertisement na may linyang "Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Blah blah blah." Aquaman's answer for the said question is the most awaited. Kakayanin kaya nya ang polusyon?

Kung sakaling may maganap na laban sa gitna ng siyudad at nakaramdam sya ng panghihina ay maaatim ba ng dakilang prinsipe ng karagatan na lumusong sa imbornal o di kaya'y mag-dive sa sapa na na may mga lumulutang na diapers at yellow submarines? Unless otherwise, there's an ocean or crystal river at the middle of a prolific city. Kung kayanin man nya'y siguradong unlimeted laughter at katakot-takot na isulto ang ibabato sa kanya ng kanyang katunggali. Kung nanaisin naman nya ng mas kapitagpitagang paraan ay kakailanganin pa nyang maghanap ng kalawanging tubo o puso at makipila upang magsahod ng kalawanging tubig. Maari rin syang magpaalam saglit sa kalaban upang maghanap ng pinaka-malapit na water refilling station.

#WaterPollution

PS: Siguro kapag naligo sa dagat ang mga kurakot na pulitiko ay mas magiging malala ang water pollution, marumi kasi sila eh.

May mga kagamitan ang mga superhero na pinapangarap kong maangkin. Ewan, malaking kalokohan pero pinapangarap ko talaga. Tulad nalang ng pananggalang ni Captain America na nilikha ng ama ni Tony Stark aka Iron Man. Ang shield na ito ay gawa sa vibranium steel alloy na mas matibay pa sa dating relasyon namin ng naging ex-girlfriend ko.

Ayon sa aming pagsasaliksik (edeshing! Nagpaka-Ernie Baron talaga ako saglit.), ang pananggalang na ito ay kayang tumanggap ng kahit anong pwersa ng kinetic energy upang hindi masaktan ang sino mang may nagtataglay nito. Pwede kong gamitin ito kapag pinana ako ng palaso ni Kupido ay para sa isang tao ay hindi ako masasaktan sa huli.

Dear Cupid,
Why don't you try shooting yourself with your annoying arrow and feel how love hurts! Tsk tsk.

Sa tuwing Mayo bawat anim na taon ay nagkakagulo ang bansang Pilipinas dahil sa national election. Sino nga ba ang karapatdapat na maging presidente, bise-presidente, mga senador at mga kongresista? Basehan ba ang pera, pinag-aralan at itsura ng kandidato? Dapat bang maka-apekto ang kulay ng partido? Maraming propaganda. Laganap ang paninira sa bawat magkakatunggali. Kaliwa't kanan na sampahan ng mga kaso sa magkabilang panig. Sa ilang bahagi ng nga Pilipinas ay mas patayan pang nagaganap. Lahat ng iyan ay para lang manalo sa halalan. Kaya saludo parin ako sa mga kumunidad na kahit ano mang higpit ng kompetisyon sa politika ay nananatili paring mapayapa sa kanila.

Kung meron lang sana tayong Mjolnir ay mas mainam. Ang Mjolnir ay makapangyarihang martilyo na pagmamay-ari ng isang myembro ng Avenger at prinsepe ng mundong Asgard sa Norse Mythology na si Thor. Ayon sa mitolohiya ay tanging ang WORTHY lamang ang may kakayahang buhatin o gamitin ang nasambit na sandata.

Eh kung papilahin nalang natin ang lahat ng mga kwalipikadong kandidato at isa-isang pasubuking buhatin ang Mjolnir ay mas mapapadali pa ang proseso ng halalan.

Hindi na kakailanganin pang magdikit o magsabit ng mga over-sized na poster o tarpaulin sa mga inosenteng puno, poate at kable ng kuryente, overpass at kung saan-saan pa na hindi rin naman 100% na nalilinis pagkatapos ng eleksyon. Ang ending, BASURA na nakakasira pa sa kalikasan. Hindi na rin masasayang ang sagrado nating mga boto dahil sa dagdag-bawas na nagaganap sa tuwing nagkakaroon ng planadong brown out sa tuwing nagbibolangan na ng mga boto sa mga presinto at hindi narin mapupurga ang utak natin sa kakaisip tungkol sa kwesyonableng resuta sa mga PCOS Machines.

Pwede ko ring ipabuhat ang Mjolnir sa taong gusto kong makapiling habang buhay upang malaman ko kung WORTHY ba sya na tanungin ng "Will you marry me?".

Napag-alaman ko rin na may may power core si Iron Man na tinatawag na Arc Reactor na syang pinagkukunan ng enerhiya ng buong Stark Tower at upang mapagana ang mga Iron Man suit. Ang

paborito ko ay ang Mark XLV at ang Model 13 o Hulkbuster Armor (sheyr lungz).

Naisip ko lang na kung meron akong Arc Reactor ay maaari akong makapanood ng telebisyon, makinig sa radyo, mag-charge ng cellphone, magpahangin sa harap ng electric fan o magpaandar ng aircon buong maghapon, magluto sa rice cooker at gumamit ng oven ng libre at hindi na poproblemahin ang pagbayad sa buwan-buwan na bayarin sa kuryente na halos mas mataas pa sa sweldo ko bawat kinsenas.

Maari ko rin itong hiramin kay Iron Man upang bigyang liwanag ang madidilim na kaisipan ng mga drug lords at drug protectors, este mabigyan ng liwanag ang madidilim na gabi ng mga komunidad sa liblib na mga lugar.

Isang araw habang naghihintay ng masasakyang jeep sa Alabang upang magtungo sa opisina ay may nakita akong bulag na matandang nagtatangkang tumawid sa kalsada. Inoobserbahan ko ang mga tao sa paligid. Ang iba'y abala sa pagpara ng sasakyan. Ang iba'y abala sa pagkulikot sa kwadradong kagamitang produkto ng teknolohiya, ang iba'y abala sa pangungulangot, ang iba'y abala sa pakikipaglandian sa kanilang kapareha sa kabila ng katotohanang nasa pampublikong lugar sila at ang iba nama'y abala sa pagtawid at dinadaanan lang ang pobreng bulag.

Sino nga ba ang tunay na bulag? Ang matanda o ang mga taong nakapaligid sa matanda? May tig-i-isang pares tayo ng matang gumagana ngunit hindi naman natin ginagamit sa kapaki-pakinabang na paraan. Mas pinipili nating magbulagbulagan.Sino nga ba ang bulag? Baka ang lipunang ating ginagalawan. Nakakalungkot. Minsan kung sino-sino pa ang nabibiyayaan ng paningin ay sila pa ang nagiging bulag. Nakakalungkot lang na madalas tayong mangarao na magkaroon ng superpowers upang maging superheroes ngunit... bahala na kayo kung ano ang gusto nyong idugtong! Naaasar na ako.

Unti-unti akong nakaramdam ng galit sa lahat ng mga taong abot ng aking paningin. Beast mode, nasira ang araw ko.

Muli kong tinitigan ang bulag na nagsusumikap sa pagkapa ng daraanan gamit lamang ang isang manipis na baston. Nakakaawa.

Nagdesisyon na akong kumilos at tulungan ang pobreng matanda. Handa na sana akong ihakbang ang aking pasmadong paa nang mula sa aking kanan ay may tumakbo. Akala ko nga'y snatcher. Nagulat ako ng makita ang kanyang deatinasyon, ang lokasyon ng bulag.

Hinawakan nito ang isang kamay ng huli at inakay patungo sa lugar kung saan nito nais marating upang hindi ito masagasaan ng mga kaskaserong motorista. Nang makatawid na ng matiwasay ang bulag ay muling bumalik ang Good Samaritan sa aking tabi.

Sya pala'y isang tindero ng sigarilyo, candy at mineral water. Umupo sya na parang walang nangyari ngunit masisilayan ang bahid ng ngiting bakas sa kanyang mukha dulot ng ligaya sa pagtulong sa kapwa.

Iniwan nya ang kanyang mga kostumer at isinantabi ang pag-aalalang baka may magnakaw ng kanyang paninda para lang umalalay saglit sa nangangailangan. Nang mga oras na yun ang nais ko syang palakpakan ngunit kapag ginawa ko yun ay siguradong pagkakamalan akong baliw ng mga tao.
Dala marahil ng paghanga ay bumili ako sa kanya ng mineral water. Nang maibigay ko na ang perang papel ay agad akong kumaripas ng takbo. Hindi ko na kinuha pa ang sukli ng isang daang piso. Kung tutuusin ay kulang pa yan sa ginawa nyang kabayanihan. Ganitong uri ng mga tao ang dapat na binibigyan ng pagkakataong yumaman, magkamit ng pagkilala at handugan ng gantimpala.

Tama. Hindi natin kailangang magsuot ng kapa o maskara at magkaroon ng kapabgyarihan upang maging bayani. Mindang ay sapat na ang pudpod na tsinelas, kulas na maong pants, lumang damit, lakas ng loob at lagustuhang tumulong tulad ng udang ordibaryong tindero sa bangketa.

Napatunayan kong sa mundo na pinaghaharian ng mga nakakurbata at nakamaskarang halimaw ay may mga umaaligid paring bayani at maaaring isa ka sa mga tinutukoy ko.

Saturday, April 22, 2017

Nagmahal.. Nasaktan..

Nagmahal... Nasaktan...



Nagmahal..

Nasaktan..

Oh? Tapos? Edi mag-move on na! Daming mas malaking problema sa mundo: bill sa tubig, kuryente; presyo ng karne, isda, bigas pati gasolina at pamasahe; personalang away ng mga senador sa loob ng senado; ang bwesit na droga; ang mga gag*ng mga terosista; isyu sa Spratly Island; climate change; traffic; ang grade sa iskwelahan; mapagtatrabahuan at marami pang iba! Tapos ano? Pati yung taong minahal natin na sinaktan tayo ay poproblemahin pa? Nasaan naman ang mga hustisya? Dagdag pa yan sa paghahanap ng FOREVER (na wala naman talaga).

Ang Alamat ng Bitin na Lagok By: Nathaniel F. Naigan

Ang Alamat ng Bitin na Lagok
By: Nathaniel F. Naigan

Bago umuwi ay bumili muna ako sa bookstore dun sa isang mall na pinaka-malapit sa amin ng libro na "Libro ng Kalokohang Aral" ni… sino nga bay un? Hahaha.. Nang makabayad na sa counter ay naglakad, sumakay sa eskileytor lumabas ng mall at binilisan ang hakbang pauwi.

Medyo nauhaw ako kaya't bumili ako ng buko juice sa kanto worth P10.00.

Inom.

Inom.

Langya! Dalawang lagok lang ang P10.00 na buko juice! Huhuhu.

At yan ang masalimuot na Alamat ng Bitin na Lagok.

Kasi na man yung lalamunan ko naman, parang kayang ubusin ang kalahati ng Pacific Ocean sa isang lagukan lang.

At dahil wala na akong magagawa ay ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad.

Left...

Right...


Left...


Right...


Left...


Left...


<STOP>

Ako: Oh, bakit nyo ako pinahinto sa kina-career kong military march?

Crowd: Nakikita mo ba ang nakikita ko?

Ako: Yung dalawang aso na magkadugtong pa ang mga churva dahil kakatapos lang mag-churvahan?

Crowd: Shunga! Hindi!

Ako: Yung tindero na nangungulangot habang nagluluto ng tinda nyang fishball?

Crowd: Hindi rin.

Ako: Yung tomboy na namimigay ng flyers na hiring daw sa recruitment agency nila tapos hihingian ka ng P500-P1,200 na pangpa-medical mo na requirement daw tapos yun pala'y scam lang?

Crowd: Wrong!

Ako: Ah. Alam ko na. Yung mga magkakaibigan ba na iyon na ang sweet habang dahan-dahang naglalakad? Yung magkaka-holdinghands pa kahit napaka-liit ng daanan. Tapos yung mga taong nasa likod nila na halatang nagmamadali ay naka-busangot na ang mga mukha dahil sa pagka-irita?

Crowd: Mali parin. Yun oh. < at sabay-sabay pinatulis ang nguso para malaman ko kung ano ba talaga ang tinutukoy nila >.

Gumuhit ako ng imaginary na linya na magiging guide ko mula sa kanilang mga nguso papunta sa poste ng kuryente na tadtad ng mga posters ng mga photoshoped na litrato ng mga pulitiko, patungo sa isang pader na may naka-vandal na "Bawal mag-vandal dito"(toinks lang), patungo naman sa isang simbahan na maraming mga kabataan na sahalip na pumasok sa simbahan at magbawas ng kasalanan ay mas pinili pang makipaglampungan sa kanilang mga kasintahan (ang mga higad na ito, ginawa pang SOGO Hotel ang banal na simbahan! Respeto naman! Mahiya naman kayo!)

<share lang: habang sinusulat ko ang part na ito, nahulugan ako ng Encyclopedia Britanica sa mismong mukha ko. https://www.facebook.com/images/emoji.php/v8/fcb/1/16/1f641.png:-( .... share lang #BUKOL>


Mula dun sa mga naglalampungang mga kabataan ay muling gumalaw ang imaginary line patungo sa aking........ tabi. Langya again, ang layo ng nilakbay ng linya na ito tapos sa tabi ko lang pala pupunta, eh kung suntukin ko kaya itong linya na ito? Nakakalalaki na eh!

Biglang nalusaw ang galit ko dun sa bwesit na linya nang makita ko ang isang kaganapan sa aking tabi... opo, sa tabi ko po. Siguro 1 centimeter and 1.2 inch ang distansya mula sa kinakatayuan ko.

Lalaki: Tumigil ka nga dyan sa kaka-iyak! Pangit ka na nga, mas lalo ka pang pumapangit.

Babae: <iyak+singhot sipon>

Lalaki: Hindi ka ba talaga titigil? Makikipag-break talaga ako sayo!

Babae: <iyak+singhot sipon>

Lalaki: Bwesit talaga! Dyan ka na nga. Break na tayo!

Babae: <iyakx30 + singhot sipon x100>

Biglang umusok ang mga butas ng aking dambuhalang ilong. Kaya nasisira ang dati nang sira na emahe ng mga lalaki dahil sa mga katulad ng kolokoy na 'yun.

Lagi sana nating tandaan na ang papel natin ay maging hari ng isang reyna. Ang mga babae ay natural nang mga topakin at ang pagsubok sating mga kalalakihan ay kung paano natin pakikibagayan ang topak nila.

Yung tumutulo man ang luha nila'y punasan natin ito ng ating panyo ng sinseridad (wag yung panyo na ginamit mo na sa libagin mong leeg o yung pinamunas mo sa malansang lababo).

At wala kang karapatang sabihan siya na pangit siya (lalo na kung mas pangit ka). Tandaan mo sana na responsibilidad mong sabihin sa kaniya sa bawat pagkakataon na siya ang pinaka-magandang babae sa 'yong paningin at walang ibang mas hihigit pa sa kaniya kahit si Mariane Rivera, Lyza Soberano, Tulisa Costostavlos, Demi Lovato, Lalla Hirayama o Alesha Dixon  man ang ipang-kompara sa kanya.

Evan Peters comforted  Emma Roberts  
Agad akong lumapit sa kaawa-awang babae at kinausap sya. Unti-unti naman siyang tumahan pero patuloy parin sa pagsinghot sa kulay berde nyang sipon na dumadaloy na papunta sa ibabaw na labi (eeeeeeew!!!).

Ako: Ayos ka lang ba ms.Beautiful?
<galawang HOKAGE>

Babae: Oo. <singhot sipon>
Ako: Ayos lang yan. Unting tampuhan lang 'yan. Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo. Pagsubok lang yan, at bahagi ng isang relasyon ang pagsubok upang maging mas matatag kayo (feeling Papa Jack na ako).
Babae: Eh, hindi ko naman yun boyfriend eh. <singhot sipon> Hindi ko nga yun kilala.
Ako: Oh, eh bakit mo iniiyakan?
Babae: Eh, tinapakan nya yung paa ko ng combat shoes nya eh. Syempre nasaktan ako, kaya umiyak ako. May batas na bang naipasa na bawal umiyak kapag natapakan ng combat shoes?
(May punto naman sya.)
Ako: Hindi mo pala kakilala, eh bakit sya nakipag-break sayo?

Babae: Ewan ko dun. Adik yata yun eh.

Ako: K

Nagpaalam na rin ako at ipinagpatuloy na ang naantala kong pagmamartsa. Langya, na-WOW MALI pa yata ako. Haha..


Bawat Daliri sa Bawat Kamay By: Nathaniel Naigan

Bawat Daliri sa Bawat Kamay
By: Nathaniel Naigan

Wag mong ihalintulad ang iyong sarili sa ibang tao dahil bawat isa sa atin ay parang mga daliri ng ating mga kamay. Yung hinlalaki na nagsisilbing ating identity lalo na sa thumbmark na requirement sa ilang mga importanteng dokumento tulad na lamang ng Police Clearance, NBI Clearance, sa pagpa-biometrics para sa eleksyon at marami pa. Ang ating hintuturo na ang silbi ay ang pagturo at pagpili. Ang ating gitnang daliri na syang secret weapon natin kapag may gusto tayong murahin lalo na kung tayo'y galit o sinaktan ng ating kapwa (Paalala sa mga kabataan: iwasan natin ang paggamit nito. Please lang. Haha). Ang katabi naman nitong daliri na syang dapat natin i-reserba sa singsing na syang simbolo ng wagas na pagmamahalan. At ang pinaka-importanteng daliri...ang hinliliit. Bakit naman hinliliit ang pinaka-importanteng daliri? Ito ay sa kadahilanang kung wala ang ating hinliliit, siguradong hindi na tayo makakahinga dahil barado na ng kulangot ang ating mga nagmamalaking ilong.

See? There you have it: the vital roles of each finger in our prolific world! Ten te ne nen ne nen! (insert 20th Century Fox sound effect).

Narinig ko lang yan mula sa hinding hindi ko malilimutan na usapan namin ng aking tatay nung minsang sinumbatan at tinanong ko sya kung bakit yung mga kapatid nya ay mga huwarang public teacher, university professor, veterinarian, chemist, church minister at civil engineer samantala sya'y hamak na pobre lamang na syang rason kung bakit hindi sapat ang kinakain namin araw-araw; kung bakit hindi ako makabili ng bagong damit, sapatos o tsinelas man lang; kung bakit napag-iiwanan na ako ng aking mga kapwa mag-aaral na karamihan ay may mga gadget na; at kung bakit kami minamaliit ng ibang tao.

MATALINONG TARANTADO ako nung hayskul ako eh. Sarili ko lang ang iniisip ko ng mga panahong yun. Alam mo yun? Yun bang tinatawag nilang "rebelde".

Pero nung ipinaliwanag sa akin ng aking tatay yung tungkol sa mga daliri na iyon, naliwanagan ako. Blazing realization suddenly struck into my pathetic mind (basta lang maka-Ingles, serry nemen!hehe).
Nagkamali ako. Hindi ko manlang naisip na yung mga tanong na iyon ay tila punyal pala na itinutusok ko sa aking ama... aking ama na syang nagbigay sa akin ng buhay.

Sa aking saglit na pagninilaynilay ay aking naibulong sa sarili na higit pa sa kung sinong propesyunal na tatay si Mang Jonathan. Hindi man sya doktor o guro o enhinyero o pulis o pulitiko, mananatiling PINAKA sa puso ko ang aking tatay.

Naranasan mo na bang...

Naranasan mo na bang maiwan ang facebook mo na naka-online dahil bibili ka ng sardinas sa tindahan ni Aling Leonila tapos pagbalik mo after 5 minutes.... (TARAAAAAANG!) :
➽ 7 friend requests?
➽ 4 messages?
➽ 99+ notifications?



Maliit na bagay lang sa mga FAMOUS pero sa tulad kong hindi naman sikat... WOW! Nakaka-gulat lang. Hehehe

Ano nga ba ang Tunay na Kahulugan ng salitang PAG-IBIG by: Nathaniel F. Naigan


Ano nga ba ang Tunay na Kahulugan ng salitang PAG-IBIG?
by: Nathaniel F. Naigan


Bukod sa usaping pangkaunlaran at pangkapayapaan, isa na marahil na problema ng sambayanan ay ang pag-ibig. Tanda ko pa nga ang ilang qoutable qoutes na parang kayamanang minana at ipinapamana sa bawat henerasyon tulad ng "Love makes the world go round", "Love is all that matter","Love will keep us alive" at marami pang mga pangungusap na nagsisimula sa salitang LOVE.

Hindi ito ang PAG-IBIG (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industria at Gobyerno) ng pamahalaan.


Klasmetyt ko yan. Napa-model lang. haha

Ang tinutukoy kong Pag-ibig ay ang emosyon ng matinding pagka-gusto at maaring pagnanasa na magmahal at mahalin..

Hindi lamang ito basta tungkol sa mga halik, hindi lamang mga yakap at hindi lamang titigan ang dapat pagsaluhan ng dalawang nag-iibigan kundi dapat ay may respetuhan, kasiyahan, at pagkaka-isa ng mga diwa upang maging matagumpay ang bawat relasyon..

Ayon sa ibang religious contexts, love is not just a virtue, but the basis for all being, as in the Roman Catholic phrase, "God is love". 

Ang pag-ibig ay itinuturing din pinaka-malawak na paksa ng mga kabataan sa kasalukuyan..

''Love can also refer specifically to the:
passionate desire and intimacy of romantic love,
to the emotional closeness of familial love,
or to the platonic love that defines friendship,
to the profound oneness or devotion of religious love,'' 
mula sa saling wika ng sikat na internetbook na WIKIPEDIA...

Ang apat na letra na L-O-V-E ay may milyon-milyong kahulugan...

Mga kahulugan galing sa mga DIKSYUNARYO, INTERNET, LIBRO, RELIGIOUS TEXTS at Marami pang iba...

Ngunit malalaman mo lang ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa takdang oras na masubukan at maranasan mo kung paano ang magmahal ng tunay at wagas..

Kung maganda man o masama ang daloy ng relasyon, well, walang pakealam ang mga tsismoso at tsismosa na nung pagkapanganak yata'y mas naunang lumabas ang bunganga. Ang mahalaga lang naman sa kanila'y may isyu silang mapag-usapan at para bang ang kwento ng buhay mo ang nagdudulot ng mga terorismo at paghihikahos ng bansa. Tsk tsk.

Kapag nagsagawa ng Operation Anti-Tsismis ang awtoridad siguradong magiging mala-ghost town ang baranggay nyo at magkaka-problema ang mga senador at mga kongresista kung paano masusulosyunan ang kakulangan ng rehas na bakal sa bansa. Nguni't habang wala pang Operation Anti-Tsismis na nagaganap, magtiis ka muna at hayaan mo nalang sila. Hindi ka isinilang sa mundong ibabaw upang makinig sa bulong-bulungan nilang rinig naman kahit ng bingi.

#saPUSOmo


@ the entrance of Bulusan Lake, Bulusan, Sorsogon



Halina't sabay nating ihakbang ang ating mga talampakan patungo sa mga lugar na nais nating marating. Ikaw? Saan mo gustong pumunta?

Masaklap na Kapalaran ng Taong lansangan
By: Nathaniel F. Naigan


Yun oh! Tirik na tirik ang sikat ng araw.

Sobrang init!

Kasalukuyan akong nakasilong sa lilim isang maliit na puno ng acasia sa gilid ng national road. Kay swerte mo liyag na ika'y nakatayo pari't kay yabong yaring mga luntiang dahon. Bilang nalang ang mga punong nakatanim sa Metro at Mega Manila. Mas marami pa nga yata ang mga tagyawat ko kesa sa mga puno rito.

Ito nga marahil ay isa lamang sa mga hindi mapipigilang resulta ng patuloy na pag-unlad sa bawat kabihasnan: BYE BYE mga puno't halaman, HELLO nagsisitaasang mga gusali.

kurtisi op jojopensica prom picssr.com






Ilang minuto ko narin sigurong iniikot-ikot ang aking malaking ulo upang ganap na matunghayan ang kapaligiran nang mula sa aking likuran ay may kumalabit sa akin. 360 degree kong inilibot ang aking katawan upang makita ang isang lalaking pulubi na umaalingasaw ang amoy na para bang 38,626,282 months and 30.5 days nang hindi naliligo. Suot nito'y marumi, maluwag at gulagulanit nang t-shirt at maong pants. Mahaba na ang buhok nito sa iba't ibang bahagi ng mukha (wag na nating isama pa sa deskripsyon ang buhok sa kilikili at sa KWEK KWEK nya. Ok? Haha).

Pulubi: Ahmmm. Excuse me?
Ako: Wow! Spokening dollar si kuya.
Pulubi: What? I can't understand you sir.
Ako: Are you serious?
Pulubi: Yeah.
Ako: Ok ( naubusan agad ako ng Ingles eh).
Pulubi: Can I ask for some penny? Please. I need to buy some foods coz' i'm a little bit hungry.
Ako: I don't have money. But i do have biscuits here. You want?
Pulubi: Biscuits? Duh! I don't eat cheap foods.
Ako: <NGANGA>.
Pulubi: Oh common! Faster! I need some money as soon as possible. My coleagues are already waiting for me there! <with matching turo pa dun sa Japanese restaurant>.

Bwesit na ito! Namamalimos na lang, aarte pa! Tsaka, ako nga nagtitiis sa tusok-tusok na streetfoods sa kakatipid ng perang pagkakasyahin ko pa sa loob ng isang buwan tapos sya na pulubi, hihingian ako ng pera para lang makakain sya sa mamahaling Japanese restaurant? Naku! Ang sarap magmura!Ang lalaking yun eh physically fit naman na pwedeng magtrabaho kahit na construction worker o bagger sa mga factory. Sa Ingleserong dila nya ay maaari naman syang pumasok na costumer services representative sa kahit anong call center company. Kaya lang, wala eh. Mas piniling magpalimos at manatiling tagalimos.Gusto ko sanang bugbugin na ito kaya lang baka may umaaligid na alagad ng Commission on Human Rights at makasuhan pa ako. Tsk tsk.

At dahil alam kong hindi kayo naniniwala sa kwento ko tungkol sa pulubi, aaminin ko na. Echoz lang yun mga besstie! Wala namang pulubi sa Pilipinas na may dilang kano. At kung meron man, EDISHING! Edi wow. Hehe.

Sa tuwing nakakakita ako ng pulubi ay umiiwas ako hindi dahil sa bato ang puso ko ngunit hindi dapat natin sila limusan. Mga parekoy at mga marekoy, wala namang masama kahit magbigay ka ng walong milyong dolyar sa bawat pulubing makasalubong mo ngunit pagkatapos nun ay ano? Sabi nga nila'y "Don't give them a fish, just teach them how to fish."


Isang araw paglabas ko sa isang mall sa Alabang, Muntinlupa City ay nahagip ng aking mata ang isang pulubi. Tantsa ko'y 5"7 ang height, katamtaman ang pigura ng katawan, obviously marumi at mabaho with matching gulagulanit na damit. Ngunit hindi yan ang nakakuha ng aking atensyon kundi ang katotohanang wala namang depekto sa ano mang bahagi ng kanyang katawan. Nakakalungkot mang isipin na habang ang mga pilay, pipi, bingi at bulag ay patuloy na nagsusumikap na maiangat ang sarili upang hindi kutyain ninuman ay narito naman ang isang halimbawa ng isang taong wala namang kapansanan ngunit tila inutil naman. Biktima nga lang ba sila ng bulok na sistema ng lipunan o sadyang sya mismo ang pumiling maging kabute samantalang kaya naman nyang maging matatag at mataas na punong kahoy.

Ano man ang dahilan, wag na lang sana nating tularan.

TUNAY NA TAGUMPAY

TUNAY NA TAGUMPAY

Hindi man kami ang naging kampyon sa naganap na Dance Competition na isinagawa sa Cecile's Restaurant sa Las PiÑas nung nakalipas na Desyembre taong 2016, masaya parin. #1stRunnerUp

"Manalo man o matalo sa isang pakikipaglaban, ang mahalaga'y ang mas pagpapatatag ng pagsasamahan at pagkolekta ang mga kaalamang natutunan sa pakikipagtunggali sa kalaban."
-Naigan, Nathaniel F.

Friday, April 21, 2017

Buhay na Puno ng Kahayupan By: Nathaniel F. Naigan


Buhay na Puno ng Kahayupan
By: Nathaniel F. Naigan


                         Bahagi na ng pagiging tao ang pagnanais na umunlad tulad ng isang agilang pagal na ang nais ay makalipad upang makahanap ng lugar na mas akma sa kanyang kalagayan. Mahirap man ay kailangang kumayod ng isang nilalang upang makipagbakbakan sa patuloy na pagsalakay ng paghihikahos.

                 Nakakalungkot ngang isipin na sa kabila ng tunetuniladang pawis na ating inilalaan para sa kakarampot na salapi ay tila hindi parin sapat. Maswerte nalang ang Pilipinong wala pang pinapakain at pinag-aaral na kamag-anak dahil hindi pa ganap na mabigat ang bitbit nilang responsibilidad. Ngunit paano na ang kalumos-lumos na kalagayan ng mga Juan Dela Cruz na ipinagsisiksikan ang labindalawang anak sa isang kwadradong kwarto na gawa sa pinag-tagpi-tagping kahoy na napulot pa nga yata sa tambakan ng basura? Paano ang mga Juan Dela Cruz na tanging kapiranggot na tela lamang ang panlaban sa gabi habang nagtutulog sa mga lansangan at parke? Paano ang mga Juan Dela Cruz na tinitipid ang isang tig-P12 na instant noodles sa sangkaterbang anak na halos lahat ay may karamdaman? Paano na si Juan Dela Cruz? Paano na?

                       Kung titingnan natin ang lokasyon ng Pilipinas, tayo'y napapaligiran ng tubig... malawak na katubigan. Kaya't hindi na ako nagtataka pa kung bakit napakarami nating mga buwaya at linta. Minsan nga'y bumisita ako sa Manila Zoo. Kaygandang pagmasdan na ang mga hayop roon kabilang na ang mga buwaya ay masusing inaalagaan.

Kurtisi op Lourd Jim Diazon (Behace)
Ngunit may mga buwayang hindi na kailangan pang alagaan. Yun mga buwayang ipapanalangin mong maging extinct na tulad ng mga dinosaur. Nakakainis kasi. Nakaka-insecure. Buti pa ang mga buwaya ay mayroong sariling sasakyan na bukod sa marami na ay napakamahal pa. Buti pa ang mga buwaya, nakakakain ng masasarap na pagkain sa mga class na restaurant. Buti pa ang mga buwaya ay may mga magagarang damit, minsan ay naka-kurbata pa. Buti pa ang mga buwaya may mga bodyguard na linta. Buti pa ang mga buwaya, nakaupo lang sa silyang ginto tapos may sweldo na at may allowance pa. Buti pa ang mga buwaya ay napakagaling mag-Ingles... oooops, may mga buwaya palang hindi marunong mag-Ingles. 

                      Lahat ng mga buwayang ito ay dati lamang mga butiki na parang Pokemon na nag-evolve into buwaya dahil nabigyan (o binigyan natin) ng pagkakataon upang maging buwaya. May ibang butiki nga ngayon na tinuturuan na ng ama at ina nyang buwaya upang mas maging magaling na buwaya sa hinaharap.

                 Isa ka rin eh! Oo, ikaw nga! Isa ka rin! Kung hindi mo lang sana ibinenta ang sagrado mong boto at kung ang pinili mo'y ang alitaptap na magbibigay sana ng liwanag sa ating madilim na bayan eh di sana'y hindi na natin kailangan pang bumili pa ng kandila sa tindahan ni Tiya Leonila kapag sunod-sunod ang brownout dulot ng pagiging iresponsable ng mga Electric Cooperatives sa iba't ibang bayan at hindi na magsisindi pa ng mga bulok na gasera ang mga kababayan natin sa mga kabundukan na hindi pa inaabot ng kuryente dahil hinaharang na agad ng mga buwaya ang pondo at inilalagay na sa sarili niyang bank account. Diba? Buwaya, may bank account? OnliEnDePelipins! Pero hindi naman daw sa kanya yun kaya hindi nakalagay sa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net worth) nya. Tsk tsk.

                      Ngunit hindi sa lahat ng panahon ay ang mga buwaya lang ang babatuhin natin ng naglalagablab na sibat. May mga hayop pa tayong dapat pagtuunan ng pansin hindi lamang sa panood natin sa Discovery Channel o sa pagbabasa natin sa mga textbook simula nung kinder hanggang sa pinaka-huling hakbang sa K+12 na nilagdaannoong May 15, 2013 sa panahon ng dating presidente na si Benigno "Noynoy" Aquino III na anak ng mga namayapang sina Ninoy at Cory Aquino.


Tulad nga ng nasambit ko kanina'y bahagi na ng pagiging tao ang pagnanais na umunlad ngunit hindi maiwasang may mga hadlang. Ang ilan ay mga lantarang kaalitan. Ngunit ang masaklap ay dumating sa punto na ultimo mga taong inaasahan mong magiging sandigan mo'y syang magiging isa pang elemento sa pagbagsak mo. Tama. Sila ang mga TALANGKA na sa tuwing nalalamang ika'y paakyat tungo sa mas ikabubuti mo'y hihilain ka pababa. Tama nga ang kanta ng bandang Brownman Revival na may titulong Hitik Sa Bunga: 

Inggit sa iyong narating
Pilit kang sisirain
Dyan sila magaling
Ilalagay ka sa alanganin


Kaya mag-ingat sa mga asal talangka
Hihilahin ka nila pababa
Namamato pag ika’y hitik
Hitik sa bunga 


Hitik sa bunga

Dapat lagi kang listo
Bantayan ang iyong puso
Sa mga pabigat sa iyong pag-akyat
Pumipigil sa iyong pag-angat hmmm



Inggit sa iyong narating
Pilit kang sisirain
Dyan sila magaling
Ilalagay ka sa alanganin


Kaya mag-ingat sa mga asal talangka
Hihilahin ka nila pababa
Namamato pag ika’y hitik
Hitik sa bunga 


Hitik sa bunga

-000-

                      Minsan ding nakasabay ko sa karera ng buhay ang isang PAGONG. Bilang isang nilalang na may awa, pilit ko syang hinintay upang akin syang makasabay hanggang sa dulo ng aming lakbayin nguni't sa huli'y sumuko na rin ako. Sumuko ako sa paghintay sa kanya hindi dahil wala syang halaga sa akin. Ngunit dahil hanggang doon na lamang ang limitasyon ng aking paghihintay. Tulad ng iba'y may sarili rin akong destinasyon. Nagkataon nga lang na sadyang kaybagal nyang ihakbang ang kanyang mga paa. Kung anong dahilan? Hindi ko parin mawari. Maaaring natural na sa kanya o dahil sa pasan-pasan nya sa kanyang likuran na kailan ma'y hindi nya maaaring iwanan dahil sa pasan nyang yaon nakasalalay ang kanyang pagiging pagong hanggang marating nya ang nais nyang marating.
                       Matapos iwanan si Pagong ay akin namang nakita ang kaawa-awang AHAS na sa tingin ko'y kakalabas pa lamang sa itlog.Minahal ko sya't inalagaan sa pag-aakalang mula sa ahas ay magiging uod syang walang bangis dahil sa pag-aarugang inilaan ko sa kanya nguni't sa paglipas ng panaho'y pinuluputan nya ako sa aking leeg at muntik na nya pa akong tuklawin. Noon di'y napatunayan kong ang ahas ay mananatiling ahas.

                      Nang makawala'y agad tumakbo. Nang malayo na'y nahagip ng mga mata ang grupo ng mga marurungis at mababahong BABOY. Ang iba'y lumalamon at umiinom
ngunit mas marami sa kanila'y natutulog lamang. Tila kulog ang kanilang paghilik sa aking pandinig. Sahalip na lumapit ay iniwasan ko nalang sila.
                      Ilang metro pa'y nakasabay ko ang mga PATO. Labis akong nagalak sa sistema na aking natunghayan. May isa silang pinuno na yaong sinusundan nila kung saan man ito patungo. Ngunit sa huli'y may mga katanungang biglang pumasok sa aking isipan. Paano kung ang pinuno nila'y madala sila sa maling lugar? Paano kung ang pinunong yaon ay dalhin sila sa lugar kung saan wala silang makain? Paano kung ang pinunong yaon ay pasunudin sila tungo sa bangin na maaari nilang ikapahamak? Paano kung...

Hindi pa tapos ang pagpasok ng mga katanungan sa aking diwa nang biglang makarinig ako ng ingay at makita kong nagsisitakbuhan ang mga pato. Pilit kong

hinagilap ang nagdulot ng kaguluhan nang mahagip ng aking mata ang isang TIGRE na kagat-kagat ang leeg ng isang pato... ang pinuno. Walang pato na naglakas loob man lang na iligtas ang kanilang pinuno mula sa pangil ng dambuhalang pusa. Wala, kahit isa. Sabagay. Pato lang sila't anong laban nila sa tigre? Dagli akong umalis at nagpahinga sa isang malaking punong kahoy.

                         Habang habol ang hininga dahil sa mabilis na pagtakbo ay napatingala ako sa langit. Makulimlim. May nagba-badya na namang sama ng panahon. Mula sa pagkatingala'y napayuko ako nang mapansing may nagsisigalawan malapit sa aking talampakan. Maliliit. Mapupula. Mga kawal ng kasipagan, langgam. Maliliit na organismong may malalaking layuning mabuhay. Abala sa pag-iimbak upang may makain sa panahon ng pangangailangan. Ultimo sa paglalakad ay may disiplina. Nakapila sa dalawang magkabilaang linya. Walang tulakan at walang singitan. Sana'y ganire din ang mamamayan ng Pilipinas kabilang na ako. #JuanDelaCruzGoal

                                   Ilan sa mga nasambit na hayop ay maaaring katauhan mo sa kasalukuyan. Ang tanong: sino ka sa kanila? Magbago ka na habang may oras pa. Tandaan, hindi ka hayop. Tao ka!

Popular Posts

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan