Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Search This Blog

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan

Friday, May 5, 2017

Mga Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos By: Nathaniel F. Naigan

Mga Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos
By: Nathaniel F. Naigan



DISCLAIMER:

Una sa lahat, hinding hindi po ANTI-CHRIST ang naglathala nito at ang layunin nito ay hindi upang manira o magtaas ng isang relihiyon o mamamahayag. Wag po sanang ma-misinterpret. For all I know, hindi lang puro pagpuna ang nakasaad bagkus ay nakapaloob din ang ilang magagandang aspeto. This is actually a CONSTRUCTIVE REACTION.

Please consider this as BLIND ITEM na rin sapagka't wala namang nabanggit na pangalan ng sekta o personalidad. So kung sino mag-react, guilty. :-) Inaamin kong kailangan ko ring maging maingat dahil ang relihiyon ay hindi lamang simpleng usapin.

Naniniwala rin po akong kaisa kayo sa layuning maitama ang mga baluktot na gawain ng ilang mga tao na ginagamit ang Banal na Salita ng Diyos sa hindi wastong pamamaraan ngunit hindi naman naipupunto ng ganap dahil sa kawalan ng pamamaraan at ang iba nama'y natatakot din isiwalat. At siguradong may naengkwentro narin kayo sa mga mababanggit na naging rason kung bakit lumipat kayo sa ibang relihiyon. Hindi kayo nag-iisa. :-)
Paalala, wala pong kinikilingan ang post na ito. Sa katunayan ay bago ko ilathala ito ay ipinabasa ko muna ito sa ilang mga pari, pastor, ministro at diyakuno upang maipasuri.

Isang karangalan naman po kung may mga makita kayong baluktot na maaaring maitama.

PS:

Hindi po ako banal dahil makasalanan rin ako pero tulad nyo'y batid ko rin naman kahit papano kung ano ang tama at mali kaya nais ko rin sana ibahagi ito. Hindi lang ang may mga mataas na posisyon sa kapatiran ang may karapatan. Batid ko rin na maaaring isa sa mga araw na ito ay may mga religious leaders na pupuna at kokontra sa post na ito dahil natamaan sila ngunit inuulit ko: WALA AKONG BINANGGIT NA PANGALAN NG SEKTA O KAHIT SINONG PERSONALIDAD. :-) .

Muling panawagan: Sana gamitin po natin ang Salita ng Diyos sa nararapat. :-) . Salamat mula sa ordinaryong mamamayan.

-000-

Pssst! Oo, ikaw nga! Paki-sagot nga:

Ginagamit ka ba talaga ng Diyos o ikaw ang gumagamit sa kanya? Tsk tsk.

#REALTALK

Banal banalan pa more! Ginamit pa ang Salita ng Diyos para maging kabanal-banal sa utak ng mga kapwa-tao. Tsk tsk.

-000-             

Mga Sagradong Salita na HINDI DAPAT Ginagamit sa Kagaguhan:

1.) Mahal kita
2.) Patawad
3.) Pangako
4.) SALITA NG DIYOS
5.) SALITA NG DIYOS
6.) SALITA NG DIYOS
7.) SALITA NG DIYOS
8.) SALITA NG DIYOS
9.) SALITA NG DIYOS
...
...
...
...
...
...
...
...
... SALITA NG DIYOS!!!
... SALITA NG DIYOS!!!
... SALITA NG DIYOS!!!

PS:
Sa mga banal banalan dyan na ginagamit ang Salita ng Diyos para makapagpa-impress sa ibang tao: 


WAG KANG MAKIPAG-USAP SA AKIN! BAKA MASUNTOK KITA! Tsk tsk.





Mga Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos

1.)The RIGHTEOUS ONE
Mga manunuro na isinasaad ang bawat detalye mula sa Banal na Kasulatan upang maakay ang mga makasalanan tungo sa tamang landasin para sa ikakatuwa ng Diyos. Sya ang tunay na mang-aakay.

2.) The BUSINESSMAN
Siya yung ginagamit ang relihiyon bilang INCOME-GENERATING PROJECT. Ipagbabawal ang mga tindahan sa paligid ng simbahan/sambahan tapos sya ang maglalagay ng mga tindahan ng mineral water, pagkain, panyo etc.

3.) The BEGGAR
Hindi naman bawal ang donasyon o abuloy sa simbahan/sambahan dahil para rin naman iyon sa ikakabuti ng kapatiran ngunit may iba na halos kada-misa nalang ay hindi nakakaligtaang talakayin ang ABULOY-RELATED DISCUSSION habang umiikot na ang sobre, kahon, palanggana o di kaya ang armored vehicle ng bangko sa loob ng pasilidad. Tsk tsk.

4.) The GOOD SAMARITAN
Siya naman yung gagamitin ang donasyon o abuloy upang makatulong sa kapwa. Hindi lang para sa MULTI-MILLION-WORTH na checheburetche kundi para sa bahay ampunan, blood-letting activities etc.

5.) The SHADOW
Siya yung magiging anino ni The Good Samaritan at gagamitin naman ang adhikain ni The Good Samaritan para makapaglamang. Yung iba may mga magagara nang bahay, sasakyan at mga business. Tsk tsk. Bad ka!

6.) The ORGANIZER
Siya naman ang gumagamit ng Salita ng Diyos upang makabuo ng organisasyon na maaari nyang magamit para sa implementasyon ng isang hakbangin. Sana nga lang ay mabuting hakbangin.

7.) The FIGHTER
Minsan ay ayos na magbitiw ng masasamang akusasyon sa kabilang relihiyon lalo na't kung alam na baluktot ang tema ng relihiyong yaon. Ngunit may ilang manunuro na wala nang ibang ginawa kungdi batikusin na ng batikusin ang ibang relihiyon to the point na mas nangingibabaw na ang paninira kesa sa pagtalakay ng Salita ng Diyos.

8.) The POLITICIAN
Tatak lalo na sa mga estudyante na may kursong "Law" o "Public Administration" ang "SEPARATION OF STATE AND CHURCH" ngunit may mga koneksyon parin po ito lalo na't ang buhay ng estado ay naaayon dapat sa moral na pamantayan ng relihiyon. Ngunit may ilang manunuro na may pinapanigan na pulitiko at minsa'y sobra naman na at animo'y POLITICAL COMMENTATOR na. Nag-POLITICAL ANALYST ka nalang po sana.Yung iba, ginagamit ang relihiyon para mag-advertise ng mga politiko. Tsk tsk.

9.) The IMAGE
Siya naman yung ginagamit lang ang Salita ng Diyos para maging kabanal banal sa paningin ng kapwa. Tsk tsk.

10.) The CONTRAST
Mamamahayag na malupet sa pagtalakay at makidiskusyon kung Bibliya ang usapin ngunit salungat naman sa ikinikilos. Dumadayo pa ng sabong, inuman at madjongan sa malayong lugar na alam nyang walang nakakakilala sa kanya.

11.)The MMK
Sya naman yung naubos na ang dalawang oras na misa ngunit buhay parin nya ang topic ngunit isang Bible Verse lang ang nabanggit nya (hindi pa na-explain ng maayos).

12.)The JOKER
Preacher na ginagamit ang pagbibiro upang magising ang mga inaantok na kapatid sa pananampalataya. Wag lang sanang sobrang katatawanan, baka magmukha nang comedy bar ang simbahan.

13.) The SECRET Agent
Yun bang may ilang aral na hindi nya tinatalakay dahil kung mabanggit nya'y baka magsialisan ang mga kaanib at mabawasan ang bilang ng kapatiran. Let them know the truth. Kung bukal sa kalooban nila ang sumampalataya, labag man sa kalooban nila ang tatalakaying nakasaad sa Bibliya, tatanggapin nila.

14.) The MULTI-TASKER
Siya yung kahit na maraming problema, maraming trabaho, maraming gawain na personal ay patuloy parin sa pagtuturo ng Salita ng Diyos upang maibahagi ang gintong aral ng Diyos at maisalba ang mga makasalanang tao.

15.) The UNLIMITED ONE
Yung preacher naman ito na pinapa-ulit-ulit at pinapa-ikot-ikot lang ang unting pangungusap hanggang matapos ang buong samba hanggang sahalip na matuto ay naiinip at napipikon nalang tuloy ang mga nakikinig. Isa o dalawa o tatlong ulit ay sapat na sana. Narinig ko nga yung katabi ko na sinabing "Hindi naman bingi o bobo ang nakikinig."

16.) The BROTHER
Yung tumutulong sa kapatid sa pananampalataya na hindi lang mapag-imbabaw at kahit walang masyadong nakakakita. Yun ang pagtulong na bukal sa kalooban





AGAIN, hinding hindi po ANTI-CHRIST ang naglathala nito at ang layunin nito ay hindi upang manira o magtaas ng isang relihiyon o mamamahayag. Wag po sanang ma-misinterpret. For all I know, hindi lang puro pagpuna ang nakasaad bagkus ay nakapaloob din ang ilang magagandang aspeto. This is actually a CONSTRUCTIVE REACTION.

Please consider this as BLIND ITEM na rin sapagka't wala namang nabanggit na pangalan ng sekta o personalidad. So kung sino mag-react, guilty. :-) Inaamin kong kailangan ko ring maging maingat dahil ang relihiyon ay hindi lamang simpleng usapin.

Naniniwala rin po akong kaisa kayo sa layuning maitama ang mga baluktot na gawain ng ilang mga tao na ginagamit ang Banal na Salita ng Diyos sa hindi wastong pamamaraan ngunit hindi naman naipupunto ng ganap dahil sa kawalan ng pamamaraan at ang iba nama'y natatakot din isiwalat. At siguradong may naengkwentro narin kayo sa mga nabanggit na naging rason kung bakit lumipat kayo sa ibang relihiyon. Hindi kayo nag-iisa. :-)
Paalala, wala pong kinikilingan ang post na ito. Sa katunayan ay bago ko ilathala ito ay ipinabasa ko muna ito sa ilang mga pari, pastor, ministro at diyakuno upang maipasuri.

Isang karangalan naman po kung may mga makita kayong baluktot na maaaring maitama.

PS:

Hindi po ako banal dahil makasalanan rin ako pero tulad nyo'y batid ko rin naman kahit papano kung ano ang tama at mali kaya nais ko rin sana ibahagi ito. Hindi lang ang may mga mataas na posisyon sa kapatiran ang may karapatan. Batid ko rin na maaaring isa sa mga araw na ito ay may mga religious leaders na pupuna at kokontra sa post na ito dahil natamaan sila ngunit inuulit ko: WALA AKONG BINANGGIT NA PANGALAN NG SEKTA O KAHIT SINONG PERSONALIDAD. :-) .

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan