Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Search This Blog

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan

Thursday, May 18, 2017

We Are Presently Living with the ALIENS? By: Nathaniel F. Naigan

We Are Presently Living with the ALIENS?
By: Nathaniel F. Naigan

Tayo ngayo'y nabubuhay sa mundo na pinapaikot ng agham at teknolohiya. Isipin mo nalang, kung walang cellphone at internet ay ano kaya ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon? Bukod sa mga makinang naiimbento upang mas mapadali ang proseso ng mga trabaho na sya namang rason kung bakit mas tumataas ang bilang mga unemployed sa maraming bansa ay may mga natutukasang mga produkto ang mga siyantipiko hindi lang para makapagbigay lunas sa mga karamdaman ng mga nilalang kundi upang makalikha ng bagong uri ng mga organismo.


Maliban sa nakawan, patayan, pang-aabuso sa kapwa, pagbubuntis ng dalagang kapitbahay, pangangaliwa ng mga asawa at kung anu-ano pang mga bad news ay maaaring nakarinig ka na ng kwento tungkol sa puno ng talong na nagbunga ng kamatis, heganteng papaya na pakwan ang laman at marami pang bagay na hindi pangkaraniwan. Wala nang imposible ngayon dahil sa agham. Kaya nga nung tinanung ko ang nililigawan ko kung kailan nya ako sasagutin at sumagot sya na "Kapag pumuti na ang uwak" ay hindi parin ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong maaaring pumuti ang uwak kahit hindi pagamitin ng glutation, whitening cream, whitening soap o whitening lotion na lahat ay hindi naman epektibo saking balat. Alam kong one of these days ay puputi rin ang uwak. May puti na ngang kalabaw dahil sa mutation eh.
At kapag nangyari yun ay maaari nyo na akong ihanay sa pangalan sa ni Nostradamus at sa mga lumikha ng palabas na The Simpson na pawang may kredibilidad sa pagbigay ng mga detalye sa hinaharap.

Kung hindi kayo pamilyar sa mga sa mga prediksyon ni Nustradamus at The Simpsons na nagkatotoo na'y malaya kayong makakapagsaliksik. Google2x din kahit walang time.

Unting pasensya lang sa internet connection na ang loading process ay mas mabagal pa sa pag-Hokage move ng taong torpe. Ewan ko ba. Naturingan pa namang isa ang Pilipinas sa mga bansang babad sa mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, blogspot at instagram pero sobrang bagal. Teka, kung may 1,000 grams sa isang kilogram... ilang grams mayroon sa instagram?

Medyo creepy na nga rin ang mga produkto ng teknolohiya tulad ng robot na halos tao na. Hindi ko tuloy maalis sa aking isipan na maaaring ilang taon mula ngayon ay baka maging makatotohanan na ang pelikulang Terminator kung saan ang mga robot na ang naghahari sa sanlibutan. Pero minsan ay ninais kong maging robot nalang para wala na akong maramdamang sakit. Sana ang taong mahal ko ay robot na rin para kusa nalang syang mamamatay kapag nagloloko na.

Isa pa marahil sa mga nais matuklasan ng mga eksperto ay ang teyorya ng extra-terrestial beings. Totoo nga bang may aliens? Bukod kay Superman na ipinanganak sa Planet Kryptonite at kay Son Gokou na ipinanganak sa Planet Saiyan ay may alien pa bang iba sa Planet Earth? Kasing losyang ba sila ng alien sa pelikulang ET o kasing cute ni Kokey na kapag nilagyan ng peluka ay magiging kamukha ko na dahil sa kutis.

May ilang taong nagbigay ng mga testimonya na nakakita na sila ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Ang ilan ay napatunayan nang gumawa lang ng kwento upang magpapansin samantalang ang iba ay nagpakita ng proweba kaya hindi kayang mapagbintangan na nagtatagpi-tagpi lang ng kwento. May mga kumakalat din na mga litrato at video sa facebook at youtube na nagpapakita ng mga aliens daw at UFOs daw. Ang ilan ay halatang likha lamang ng image editing ngunit ay nananatili parin tanong kung totoo nga ba.

Unidentified Flying Object o UFO ang tawag ng mga homo sapiens sa mga sasakyan di umano ng mga extra-terrestial beings. Madalas itong isalarawan na bilog na metal sa kalangitan na naglalabas ng liwanag. Ang mga bagay na ito ay hindi parin matukoy kung ano (Kaya nga UNIDENTIFIED flying object diba?).

Kung ano o sino man ang mga sakay ng UFO ay nakakasiguro akong mayaman sila (baka mga politikong yumaman dahil ginawang pagkakakitaan ang kaban ng bayan). Ilang bilyon ba ang nagastos ng NASA para makalakad sina Niel Arsmnstrong sa buwan ng ilang sandali noong (insert date) para sa (title of expedition). Isipin palang kung ilang litrong gasolina ba ang nakukunsumo ng mga UFOs para lang makarating sa planeta natin mula sa kung saang galaxy man sila nagmula. Mayaman! Samantalang ang mga motorista nga sa atin ay halos nais na ipatumba ang mga oil company sa tuwing tinataga sila ng dagdag presyo ng gasolina. Magpapa-gasolina tapos mauubusan sa tangke tapos magpapa-gasolina ulit tapos mauubusan ulit ng gasolina tapos magpapa-gasolina lang ulit tapos paulit-ulit lang.

Paano kung habang nasa byahe ay naubusan sila ng gasolina o di kaya'y nasiraan sila ng sasakyang pangkalawakan?

Alien 1: Alaw an oyat gn anilosag!
Alien 2: Naad oyat as Pluto. Yam Shell nood.

Nagpagasolina sa Pluto tapos naglakbay ulit. Pagdating sa Jupiter ay naubusan ulit sila ng gasolina

Alien 1: Nasubuan an naman oyat amgn anilosag!
Alien 2: Naad oyat as Jupiter. Akab yam Caltex o Petron nood.
Alien 1: Egis!

Nang mapuno ng gasolina ang tangke ay muli nilang ipinagpatuloy ay paglalakbay ngunit nasiraan sila ng sasakyan.

Alien 1: Yatap! Naarisan oyat! Siniak! Revo-taeh gna anikam!
Alien 2: Yam riaper pohs atay as Moon. Naad oyat.
Alien 1: Gnadnagam noysised! Arat!

Maraming haka-haka na may mga extraterrestial beings na tayong nakakasalamuha bawatvaraw ngunit lingid sa ating kaalaman dahil magaling silang magpalit ng anyo tulad ni Micheal V ng longest-running comedy show sa Pilipinas na Bubble Gang.

Minsan nga'y gusto kong bumisita sa Area 51 dahil doon diumano madalaa mamataan ang mga UFO. Napaisip tuloy ako. Bakit sa Area 51 lang eh mayroon naman kaming NAIA na pwedeng landingang ng kanilang sasakyan. Baka takot din silang mabiktima ng Tanim Bala Gang.

Bakit nga ba sila napaparito? Anong pakay nila? Hinahanap ba nila ang mga nawawalang Dragon Balls? Gusto ba nilang makuha ang secret recipe ng Crabby Patty ni Spongebob? Pumupunta ba sila dito upang masubaybayan ang mga Korean Nobela at mga award-winning Inde Films ng Pilipinas?

Ayon sa iba, ang mga alienzkie ay naghahanap ng planetang sasakupin upang maging bago nilang tirahan. Kung baga sa archery ay target.Naku! Kung totoo man yan ay kakailanganin na nating tipunin ang pwersa ng mga Mulawin, mga Sangre ng Encantadia, ang mga Abangerz, ang Moron 5, ang Aldub Nation, ang Pabebe Girls at ang Tatlong Bibe.

Pero wag naman sana tayong agad na maging judgemental. Hindi porke namataan natin sila dito ay type na nila ang ating planeta. Parang pag-ibig lang yan. Hindi porke madalas kang bisitahin ng crush mo ay mahal ka na nya. Mahirap umasa bes! Tapos kapag hindi tayo sinakop ay sasabihin natin na paasa sila tulad ng crush mo na kinakainisan mo na ngayon kahit na alam mo naman sa sarili mo na boluntaryo kang umasa. Tapos ano? Sisisihin mo na naman ang puso at utak mo na nagpakatanga? Sisihin mo na ang reproductive system, digestive system, nervious system, eco system, political system, solar system at lahat ng system na mababasa mo sa Encyclopedia Britanica pero sa huli ay mapagtatanto mo na ang dapat na sisihin ay ang mismong sarili mo.

Sa haba ng byahe ay siguradong nagutom sila at nakita nila mula sa bintana ng kanilang UFO ang logo ng Mcdo, KFC, Mang Inasal at Jollibee kaya naisipan nilang mag-order ng friend fries, burger, extra rice at fried chicken. Teka, ang mga manok ba sa Jollibee ay masaya kapag kinakatay kaya tinawag na Chicken Joy?

Malay ba nating summer o holiday sa kanila kaya sinasamantala nilang bumisita rito para bisitahin ang Disneyland, Enchanted Kingdom at rides sa mga pyestahang baranggay.

Minsan ay napaisip ako kung dala lang ng modernong kaisipan ang nagtutulak sa mga tao na lumikha ng mga konseptong may ibang nilalang na nabubuhay sa loob at labas ng Milky Way bukod sa atin. Sa walang limitasyon na pag-unlad ng teknolohiya ay kaya na rin nating makapaglikha ng mga ebidensya DAW upang mapaniwala ang ating kapwa.

Isang araw ay naisipan kong magbukas ng computer at gamit ang photoshop ay inilagay ko ang imahe ng isang grey creature sa aking litrato. Kung ako nga na hindi eksperto sa photo o video editing ay nakagawa ng ganun, ano pa kaya ang kayang gawin ng mga bihasa? I therefor conclude, hindi lahat ng pinapakitang ebidensya ay dapat nang paniwalaan tulad ng mga pinapakitang kabaitan ng mga plastik na kaibigan mo. #HayTek

Hindi nawawala ang posibilidad na bukod sa ating daigdig ay may iba pang lugar sa napakalawak na kalawakan na nabubuhay na organismo. Hindi lang tayo. Wag makasarili bes! Ano yun? Feeling mo tayo lang? Ang special someone mo nga na akala mo ay ikaw lang ang nag-iisa nya ay may mahal pang iba. Hindi stick to one, kung baga sa kape ay 3 in 1 o tulad ng Tang juice na maraming flavor. Tsk tsk.

Kapag nakikipag-break abg boyfriend o girlfriend mo at sinabing "I need space" ay tanungin mo kung astronaut sya. Kapag pinilosopo ka ng sagot na "Oo" ay gantihan mo na "Bakit mas mukha kang alien?" tapos walk-out na.



Kung meron lang sana talagang spaceship ang bawat tao ay baka hindi lang sa iba't ibang bahagi ng mundo nagpapakitang gilas ang mga Pinoy. Baka sa ibang planeta din.

Sino nga bang Pilipino ang hindi nakakakilala sa Miss Saigon na si Lea Salongga na naging reyna ng musical theater?

Pamilyar din ba sa inyo si Apl. De. Ap. na myembro ng Grammy award-winning group na The Black Eyed Peas? Narinig mo na ba ang boses ni Arnel Pineda na lead singer ng legendary American rock band na Journey? Naaalala nyo pa ba sna Jessica Sanchez, Jasmin Trias at Ramiele Malubay ng American Idol? Napanood nyo rin ba kung paano pinahanga ng Glee cast at Pyramid singer na si Charice Pempenco ang planet Earth?


 Eh si Ella Nympha na matapos mag-kampyon sa The Voice Kids Philippines ay nakatanggap naman ng standing ovasion mula sa mga banyaga matapos awitin ang Chandilier ni Sia sa entertainment show na Big Shot ni Steve Harvey. Hindi rin dapat makalimutan ang grupong 4th Impact na kinabibilangan ng magkakapatid na Almira, Celine, Irene at Mylene Mercado na nagpatayo sa mga kapitagpitagang hurado na sina Rita Ora, Nicholas Grimshow, Cheryl Fernandez at ang kinakatakutan ng lahat na si Simon Cowell sa X Factor UK. Hindi rin makapaniwala ang buong mundo ang halos mga Filipino lahat ang naging finalists sa Asia' Got Talent. Ang mga Filipino finalists ay ang 10 year old songbird na si Gwynet Dorado, ang power house classical singer na si Gerphil-Geraldine Flores, ang spunky dance crew na Junior New System at ang naging kampyon na El Gamma Penumbra. Kita ang paghanga sa mukha ng mga hurado ng Asia's Got Talent na kinabibilangan ni Vaness Wu na myembro ng kinababaliwan dati naTaiwanese boyband F4, ang Sporty Spice ng grupong Spice Girls na si Melanie Chisholm, ang Indonesian and French singer-song writer na si Anggun Cipta Sasmi at ang Grammy Award winner na si David Walter Poster na isang Canadian musician at producer ng mga sikat na personalidad sa international music industry.


Kamusta na kaya si Rose "Osang" Fostanes na nagpahanga sa mga hurado ng The X Factor Esrael? Narinig nyo na ba ang ginintuang boses ni Joseph Apostol na nakapasok sa grupo ng Green Green Grass of Home at Delilah singer na si Tom Jones? Minsan din itinaas ng isang bulag na si Alienette ang moral ng mga Pilipino nang makatanggap ng standing ovasion mula sa manonood at sa mga hurado ng France Got Talent. Nandyan din si Marlisa Ann Punzalan ng X Factor Austrilia at ang mga Pilipinong sina Madonna Decena at Charlie Green ng Britain Got Talent.

Pinangarap ko ring kumanta at maabotang musical note na A5, C7 at D7. Kaya lang hanggang C2 lang ang kaya ko kasi P12.00 lang. Malamig pa katulad ng pakikitungo sa akin ng taong mahal ko.
Marami pang Pilipinong iwinagayway at iwinawagayway pa ang ating watawat sa mga dayuhang bansa bukod sa world-class talent ng dance crew na XV Gensan at Jabbawockeez ay nanyan din ang Pinoy co-director ng Pixar hit na Inside Out na si Ronnie del Carmen. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Universe na sina Pia Wurtzbach, Margarita Moran at Gloria Diaz. Ang nakasungkit ng korona na Miss World na si Megan Young. Ang nakasungkit ng korona na Miss International na sina Lara Quigaman, Kylie Verzosa, Melanie Marquez, Bea Santiago, Aurora Pijuan at Gemma Cruz. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Earth na sina Karla Henry, Angelia Ong at Jamie Herrell.


Pero ang pinaka-sikat talagang Pilipino marahil ngayon ay ang eight-division world boxing champion na si Manny "Pacman" Pacquiao. Sa tuwinang may laban sya ay nababawasan ang kriminalidad kasi ultimo mga holdaper, kidnapper, snatcher, serial killer at pain killer ay nanonood sa kanya. Sa araw din mismo ng kanyang mga laban ay nagiging maluwang ang daloy ng trapiko. May iba ngang munisipalidad na nagmimistulang ghost town kapag may laban sya kasi halos wala kang makitang tao na naglalakad sa mga lansangan dahil halos lahat ay nasa loob ng kanilang tahanan at nag-aabang sa kanilang telebisyon. Ang nakakatuwa kay Pacman ay bukod sa pagiging boksingero at isa rin syang businessman, actor at basketball player. Minsan na rin syang naging kongresista at naging senador naman. Ano na naman kaya ang susunod? Hmmmmmm.

Friday, May 5, 2017

Mga Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos By: Nathaniel F. Naigan

Mga Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos
By: Nathaniel F. Naigan



DISCLAIMER:

Una sa lahat, hinding hindi po ANTI-CHRIST ang naglathala nito at ang layunin nito ay hindi upang manira o magtaas ng isang relihiyon o mamamahayag. Wag po sanang ma-misinterpret. For all I know, hindi lang puro pagpuna ang nakasaad bagkus ay nakapaloob din ang ilang magagandang aspeto. This is actually a CONSTRUCTIVE REACTION.

Please consider this as BLIND ITEM na rin sapagka't wala namang nabanggit na pangalan ng sekta o personalidad. So kung sino mag-react, guilty. :-) Inaamin kong kailangan ko ring maging maingat dahil ang relihiyon ay hindi lamang simpleng usapin.

Naniniwala rin po akong kaisa kayo sa layuning maitama ang mga baluktot na gawain ng ilang mga tao na ginagamit ang Banal na Salita ng Diyos sa hindi wastong pamamaraan ngunit hindi naman naipupunto ng ganap dahil sa kawalan ng pamamaraan at ang iba nama'y natatakot din isiwalat. At siguradong may naengkwentro narin kayo sa mga mababanggit na naging rason kung bakit lumipat kayo sa ibang relihiyon. Hindi kayo nag-iisa. :-)
Paalala, wala pong kinikilingan ang post na ito. Sa katunayan ay bago ko ilathala ito ay ipinabasa ko muna ito sa ilang mga pari, pastor, ministro at diyakuno upang maipasuri.

Isang karangalan naman po kung may mga makita kayong baluktot na maaaring maitama.

PS:

Hindi po ako banal dahil makasalanan rin ako pero tulad nyo'y batid ko rin naman kahit papano kung ano ang tama at mali kaya nais ko rin sana ibahagi ito. Hindi lang ang may mga mataas na posisyon sa kapatiran ang may karapatan. Batid ko rin na maaaring isa sa mga araw na ito ay may mga religious leaders na pupuna at kokontra sa post na ito dahil natamaan sila ngunit inuulit ko: WALA AKONG BINANGGIT NA PANGALAN NG SEKTA O KAHIT SINONG PERSONALIDAD. :-) .

Muling panawagan: Sana gamitin po natin ang Salita ng Diyos sa nararapat. :-) . Salamat mula sa ordinaryong mamamayan.

-000-

Pssst! Oo, ikaw nga! Paki-sagot nga:

Ginagamit ka ba talaga ng Diyos o ikaw ang gumagamit sa kanya? Tsk tsk.

#REALTALK

Banal banalan pa more! Ginamit pa ang Salita ng Diyos para maging kabanal-banal sa utak ng mga kapwa-tao. Tsk tsk.

-000-             

Mga Sagradong Salita na HINDI DAPAT Ginagamit sa Kagaguhan:

1.) Mahal kita
2.) Patawad
3.) Pangako
4.) SALITA NG DIYOS
5.) SALITA NG DIYOS
6.) SALITA NG DIYOS
7.) SALITA NG DIYOS
8.) SALITA NG DIYOS
9.) SALITA NG DIYOS
...
...
...
...
...
...
...
...
... SALITA NG DIYOS!!!
... SALITA NG DIYOS!!!
... SALITA NG DIYOS!!!

PS:
Sa mga banal banalan dyan na ginagamit ang Salita ng Diyos para makapagpa-impress sa ibang tao: 


WAG KANG MAKIPAG-USAP SA AKIN! BAKA MASUNTOK KITA! Tsk tsk.





Mga Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos

1.)The RIGHTEOUS ONE
Mga manunuro na isinasaad ang bawat detalye mula sa Banal na Kasulatan upang maakay ang mga makasalanan tungo sa tamang landasin para sa ikakatuwa ng Diyos. Sya ang tunay na mang-aakay.

2.) The BUSINESSMAN
Siya yung ginagamit ang relihiyon bilang INCOME-GENERATING PROJECT. Ipagbabawal ang mga tindahan sa paligid ng simbahan/sambahan tapos sya ang maglalagay ng mga tindahan ng mineral water, pagkain, panyo etc.

3.) The BEGGAR
Hindi naman bawal ang donasyon o abuloy sa simbahan/sambahan dahil para rin naman iyon sa ikakabuti ng kapatiran ngunit may iba na halos kada-misa nalang ay hindi nakakaligtaang talakayin ang ABULOY-RELATED DISCUSSION habang umiikot na ang sobre, kahon, palanggana o di kaya ang armored vehicle ng bangko sa loob ng pasilidad. Tsk tsk.

4.) The GOOD SAMARITAN
Siya naman yung gagamitin ang donasyon o abuloy upang makatulong sa kapwa. Hindi lang para sa MULTI-MILLION-WORTH na checheburetche kundi para sa bahay ampunan, blood-letting activities etc.

5.) The SHADOW
Siya yung magiging anino ni The Good Samaritan at gagamitin naman ang adhikain ni The Good Samaritan para makapaglamang. Yung iba may mga magagara nang bahay, sasakyan at mga business. Tsk tsk. Bad ka!

6.) The ORGANIZER
Siya naman ang gumagamit ng Salita ng Diyos upang makabuo ng organisasyon na maaari nyang magamit para sa implementasyon ng isang hakbangin. Sana nga lang ay mabuting hakbangin.

7.) The FIGHTER
Minsan ay ayos na magbitiw ng masasamang akusasyon sa kabilang relihiyon lalo na't kung alam na baluktot ang tema ng relihiyong yaon. Ngunit may ilang manunuro na wala nang ibang ginawa kungdi batikusin na ng batikusin ang ibang relihiyon to the point na mas nangingibabaw na ang paninira kesa sa pagtalakay ng Salita ng Diyos.

8.) The POLITICIAN
Tatak lalo na sa mga estudyante na may kursong "Law" o "Public Administration" ang "SEPARATION OF STATE AND CHURCH" ngunit may mga koneksyon parin po ito lalo na't ang buhay ng estado ay naaayon dapat sa moral na pamantayan ng relihiyon. Ngunit may ilang manunuro na may pinapanigan na pulitiko at minsa'y sobra naman na at animo'y POLITICAL COMMENTATOR na. Nag-POLITICAL ANALYST ka nalang po sana.Yung iba, ginagamit ang relihiyon para mag-advertise ng mga politiko. Tsk tsk.

9.) The IMAGE
Siya naman yung ginagamit lang ang Salita ng Diyos para maging kabanal banal sa paningin ng kapwa. Tsk tsk.

10.) The CONTRAST
Mamamahayag na malupet sa pagtalakay at makidiskusyon kung Bibliya ang usapin ngunit salungat naman sa ikinikilos. Dumadayo pa ng sabong, inuman at madjongan sa malayong lugar na alam nyang walang nakakakilala sa kanya.

11.)The MMK
Sya naman yung naubos na ang dalawang oras na misa ngunit buhay parin nya ang topic ngunit isang Bible Verse lang ang nabanggit nya (hindi pa na-explain ng maayos).

12.)The JOKER
Preacher na ginagamit ang pagbibiro upang magising ang mga inaantok na kapatid sa pananampalataya. Wag lang sanang sobrang katatawanan, baka magmukha nang comedy bar ang simbahan.

13.) The SECRET Agent
Yun bang may ilang aral na hindi nya tinatalakay dahil kung mabanggit nya'y baka magsialisan ang mga kaanib at mabawasan ang bilang ng kapatiran. Let them know the truth. Kung bukal sa kalooban nila ang sumampalataya, labag man sa kalooban nila ang tatalakaying nakasaad sa Bibliya, tatanggapin nila.

14.) The MULTI-TASKER
Siya yung kahit na maraming problema, maraming trabaho, maraming gawain na personal ay patuloy parin sa pagtuturo ng Salita ng Diyos upang maibahagi ang gintong aral ng Diyos at maisalba ang mga makasalanang tao.

15.) The UNLIMITED ONE
Yung preacher naman ito na pinapa-ulit-ulit at pinapa-ikot-ikot lang ang unting pangungusap hanggang matapos ang buong samba hanggang sahalip na matuto ay naiinip at napipikon nalang tuloy ang mga nakikinig. Isa o dalawa o tatlong ulit ay sapat na sana. Narinig ko nga yung katabi ko na sinabing "Hindi naman bingi o bobo ang nakikinig."

16.) The BROTHER
Yung tumutulong sa kapatid sa pananampalataya na hindi lang mapag-imbabaw at kahit walang masyadong nakakakita. Yun ang pagtulong na bukal sa kalooban





AGAIN, hinding hindi po ANTI-CHRIST ang naglathala nito at ang layunin nito ay hindi upang manira o magtaas ng isang relihiyon o mamamahayag. Wag po sanang ma-misinterpret. For all I know, hindi lang puro pagpuna ang nakasaad bagkus ay nakapaloob din ang ilang magagandang aspeto. This is actually a CONSTRUCTIVE REACTION.

Please consider this as BLIND ITEM na rin sapagka't wala namang nabanggit na pangalan ng sekta o personalidad. So kung sino mag-react, guilty. :-) Inaamin kong kailangan ko ring maging maingat dahil ang relihiyon ay hindi lamang simpleng usapin.

Naniniwala rin po akong kaisa kayo sa layuning maitama ang mga baluktot na gawain ng ilang mga tao na ginagamit ang Banal na Salita ng Diyos sa hindi wastong pamamaraan ngunit hindi naman naipupunto ng ganap dahil sa kawalan ng pamamaraan at ang iba nama'y natatakot din isiwalat. At siguradong may naengkwentro narin kayo sa mga nabanggit na naging rason kung bakit lumipat kayo sa ibang relihiyon. Hindi kayo nag-iisa. :-)
Paalala, wala pong kinikilingan ang post na ito. Sa katunayan ay bago ko ilathala ito ay ipinabasa ko muna ito sa ilang mga pari, pastor, ministro at diyakuno upang maipasuri.

Isang karangalan naman po kung may mga makita kayong baluktot na maaaring maitama.

PS:

Hindi po ako banal dahil makasalanan rin ako pero tulad nyo'y batid ko rin naman kahit papano kung ano ang tama at mali kaya nais ko rin sana ibahagi ito. Hindi lang ang may mga mataas na posisyon sa kapatiran ang may karapatan. Batid ko rin na maaaring isa sa mga araw na ito ay may mga religious leaders na pupuna at kokontra sa post na ito dahil natamaan sila ngunit inuulit ko: WALA AKONG BINANGGIT NA PANGALAN NG SEKTA O KAHIT SINONG PERSONALIDAD. :-) .

5OO PESOS Short Story

5OO PESOS Short Story

Disclaimer: Nabasa ko lang. Just usual chain story lang marahil sa iba pero tumatak sa utak ko ang kwentong ito.



ANAK: Tay, pwede bang mag tanong?

TATAY: Sige anak, ano yon?

ANAK: Magkano 'tay sweldo mo kada araw? 

TATAY: Di mo na dapat paki-alaman yon! Bakit mo naitanong ang ganyang tanong??

ANAK: Please 'tay, gusto ko lang po malaman sweldo mo sa isang araw.

TATAY: Kung alam mo lang, sumasahod ako ng 500 pesos isang araw.
 
ANAK: Ohhh.. (napa yuko ang ulo)

ANAK: Ah 'tay! Pwede bang maka hiram ng 20pesos?

Medyo inis na napa-isip yung tatay.

TATAY: Kung ang dahilan mo ng pagtatanong kung magkano sahod ko kada araw ay yang walang kwentang dahilan mo at para maka bili ka ng laruan mo, pumunta ka na lang ng kwarto at matulog! Nagpapaka hirap ako mag trabaho araw-araw para lang sa makasariling dahilan na yan?

Tahimik na pumasok ng kwarto ang bata at isinara ang pinto. Umupo ang tatay at mas nainis pa habang iniisip ang tanong ng bata. "Pano niya naisip na magtanong kung magkano sahod ko kada araw para lang mangutang?"

Pagkatapos ng isang oras huminahon ang tatay at nag isip uli bakit siya natanong ng bata. "Baka naman kaya nanghihiram ng pera ang anak ko ay may kailangan talaga siyang bilhin na importante dahil madalas di siya humihingi sakin." Pumunta sa kwarto ng bata at binuksan ang pinto.

TATAY: Anak, gising ka pa ba?

ANAK: Opo 'tay gising pa ko.

TATAY: Iniisip ko anak na baka kaya ka nanghihiram ng pera ay baka may bibilhin kang importante talaga. Baka masyado ko naging mainitin kanina. Eto na ang 20 pesos na hinihiram mo.

Tumayo ang bata at ngiting ngiti. 

ANAK: Ohhh.. Salamat po 'Tay!

Tapos may kinakapa sa ilalim ng unan ang bata at nakuha ang mga lukot na perang papel. Nakatitig ang tatay at mas lalong nagalit na sa bata. Dahan dahang binilang ng bata ang lukot na perang papel at tumingin sa tatay. 

TATAY: (pagalit) Bakit kailangan mo pang manghiram ng pera kung meron ka naman na pala?

ANAK: Dahil hindi po sapat ang perang naipon ko, pero ngayon po sakto na Tay.. 'Tay, meron na po akong 500 pesos. Pwede ko po bang bayaran ang isang araw mo bukas para makasama at makalaro man lang kita maghapon? Gusto po kita makalaro.

Natulala ang saglit ang tatay, tumulo ang luha. Pagkatapos, niyakap niya ng mahigpit ang bata. Humingi ng tawad sa lahat, lalo sa kawalan niya ng oras para sa anak.

Wednesday, May 3, 2017

"K" By: Leinahtan Nagian


"K"



By: Leinahtan Nagian
.
.
LETTER "K", 11th letter sa English alphabeth, ikatatlong mabibigkas sa alpabetong Filipino. Isang letra nga lang marahil sa iilan. Ordinaryong letra na ginagamit ng mga ordinaryong tao sa mga ordinaryong pangungusap. Nguni't ang letrang ito ay madalas rin maging rason ng pagkainis sa iilan.

Reader1: Weeeeee?


Text Message Recieved
Sender: Maine My Labz
Message: K


Yung feeling na nagkakaroon kayo ng diskusyon sa SMS ng taong mahal mo dahil sa isang bagay na hindi ninyo napagkasunduan. Sa sobrang pagnanais na mailabas mo ang lahat ng hinanakit mo kaya ang mensahe na pinadala mo sa kanya ay tila mas mahaba pa sa libro ng Iliad at Odyssey ni Homer o Romeo and Juliet ni Shakespear o di kaya'y Noli Me Tangere at El Filibusterismo ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal. Naghintay ka pa ng ilang dekada sa reply nya. Apat na halalan na ang lumipas; pumuti na ang uwak at tumamis narin ang tubig dagat sa Boracay Island pero waley parin reply. Tapos nag-TOTOT TOTOT na nga. At dahil nataranta ka nung tumunog ang message tone ng cellphone mo ay muntik mo pa mahulog sa baso ng Starbucks na ang laman naman talaga ang tigti-twelve pesos lang pala na 3 in 1 white coffee (sosyal-sosyalan effext lungz). Tapos pagbukas mo ng inbox mo ay.... "K" lang ang reply nya? What does the f*ck say? Tenenenenenenenenennenen....


Kung ikaw ang nasa sitwasyon, maiinis ka rin ba o maiinis? Hmmmmm. Hulaan ko, maiinis ang sagot mo. Tama? Yahoo.com! Sabi na, parehas ang dugo na dumadaloy sa mga baricos vein namin ni Nostradamus. Hahaha.


Instantly, gusto mong ipalamon ang girlfriend/boyfriend mo sa dambuhalang dinasaur na may tustadong tagyawat sa kasuluksulukang ingron sa kuko. Tsk tsk.




At dahil mahal mo sya at gusto mong humaba pa ang listahan ng utang... este humaba pa ang usapan nyo ay magsesend ka ulit ng mahabang mensahe para may topic kayo. Tapos maghihintay ka ulit na mag-evolve ang bagong generation ng homo-sapiens into a Picachu or Doreamon at tsakaness ka makaka-recieve ng reply na ang laman lang naman ay "K" lang naman ulit. Hay naku kuya Kardo!!!!


At dahil... <some text missing> ...

Popular Posts

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan