TOP 14 QUESTIONS sa JOB INTERVIEW
By: Nathaniel F. Naigan
Ilan na nga ba ang mga aplikanteng naging kaibigan ko? Marami na. Ang iba nga'y nila-like pa at nagko-komento pa sa mga post ko sa facebook, twitter at instagram. Teka, kung ang 1 kilogram ay may 1,000 grams, gaano kaya karaming grams mayroon ang isang instagram bukod pa ang sa program at diagram?
Pagkatapos ng bawat pakikipag-usap ko sa mga aplikante lalo na sa mga hindi nakapasa sa kwalipikasyon sa mga bakanteng trabaho ay nagbibigay ako ng mga payo sa kung paano ba ang tamang pagsagot sa mga tradisyunal na pamatay na katanungan ng mga kompanya sa tuwing job interview. Narito ang ilang mga tanong at kung paano ito masasagutan ng maayos:
1. TELL SOMETHING ABOUT YOURSELF
Ang sagot dito ay depende sa king anong uri ng kumpanya ang nais mong pasukan. Madalas ay gusto nilang mahalukay ang iyong pagkatao bukod sa mga nakasaad sa iyong resume. Dito rin nila tutukuyin kung saang trabaho ka nababagay. Kung utal kang magsalita ay malalaman agad nilang hindi angkop sa'yo ang mga posisyong kinakailangan humarap at makipag-usap sa mga klayente o sa mga kostumer. Kung sakaling call center ang trabahong sinusubukang pasukin ay mahigpit na kikilatisin nila ang iyong galing sa pagsasalita gamit ang lengwaheng Ingles, pagsasaayos ng pangungusap at kung paano mo bibigkasin ang bawat kataga sa bawat pangungusap. Huwag mo rin i-kwento sa kanya ang pagmamay-ari mong Toyota, walong palapag na tahanang nakatirik sa hacienda nyong may malawak pa sa Hacienda Luisita at kung ilan ang Rolex na relong kaya mong ipamudbod sa mga pulubi. Tandaan: job interview ang kinasasadlakan mo at hindi declaration of SALN.
2. WHAT ARE YOUR STRENGHTS?
Kailangan mo lang magbanggit ng kaya mo sa mapagkumbabang pamamaraan tulad ng "Kaya kong tapusin ang trabaho kahit malayo pa ang deadline" o "Kaya kong sumayaw ng Pantomina habang nasa ibabaw ng magma ng Bulkang Mayon". Paalala: Hindi na kailangang ipagyabang na mas malakas ka kay Hercules o Ephicles ng Roman Mythology.
3. WHAT ARE YOUR WEAKNESSES?
Magsasaad ka ng kahinaan. Aminin mo. Lahat tayo ay may Achilles heel. Pero siguraduhing ihabol ang pagpapahiwatig na may ginagawa ka upang burahin sa iyong sistema ang kahinaang yaon. Halimbawa,"Mahina po ako sa Microsoft Excel. Pero may tutorial po kami at kasalukuyang nasa huling kabanata na kami ng leksyon".
4. WHY DID YOU APPLYIN THIS COMPANY?
Mas madalas pa sa aking pangungulangot ang pagsagot ng mga aplikante na "Kaya po ako nagbabakasakaling makapasok sa inyong kumpanya ay upang magkapera at makatulong sa pamilya". Tama naman. Pera ang isa sa pinakamahalagang bagay upang umunlad at makatulong sa mga mahal natin sa buhay. Yan ang pinaka-makabagbag damdaming sagot sa tanong na 'yan. Pero madalas na magbabago ang reaksyon ng nagtanong na para bang sinasabing,"SABI KO NA NGA BA EH!". Parang awitin sa mga radyo na paulit-ulit lang pinapatugtog. Nakakasawa. Higit sa ano pa man ay hinihintay ng kumpanya ang kasagutang magbibigay liwanag sa kanilang kaisipan kung ano ang maitutulong ng isang aplikante upang mas lumago pa ang kumpanya. Anong magiging silbi mo sa kanila? Pwede mong sabihin na "Kaya po ako nag-a-apply sa kumpanyang ito bilang tagaluto ay dahil magaling akong magluto. Masarap daw po ang aking Shrimped Snail na sa tagalog ay Hinipong Suso". Ipaalam mo sa kanila na ang posisyong nais mong pasukan ay swak sa iyong galing at interes.
5. WHY SHOULD WE HIRE YOU?
Bukod sa gustong malaman ang personalidad mo ay nais din nilang malaman kung ang ilalahad mong katangian mo ay magiging ASSET ba nila o LIABILITY lang. Ito ang pinaka-sensetibong katanungan na mas sensetibo pa sa dalagang may buwanang dalaw.
6. WHY DID YOU LEAVE YOUR LAST JOB?
Wag ka nang mag-kwento ng kung anu-anong chechebureche. Gusto lang nila malaman ang rason ng paglisan mo sa dating pinasukan mo. Huwag mahaba ang sagot dahil magmumukha kang defensive lalo na kung pinatalsik ka o wala kang maipakitang certificate of employment. Kung sakaling nag-resign ka at wala ka namang bad record ay mas mabuti. Basta't siguraduhin mo lang na pawang katotohanan ang iyong ilalahad dahil may ilang kumpanya na nagsasagawa muna ng pagsasaliksik bago tanggapin ang isang aplikante.
7. HOW DO YOU HANDLE STRESS AND PRESSURE?
Ipamukha mo sa nagtatanong na hindi nakakasira ang ano mang problema bagkus ay importante ito. Marami akong nakatrabaho na mas mabilis kumilos kapag malapit na ang palugit sa kanila ng amo nila. Ako mismo ay mas gusto ang ganun. May challenge. Kumbaga, sili na nagpapaanghang sa Bicol Express. Bakit walang Tagalog Express o Bisaya Expresa, nagluluto rin naman sila ng ganun huh?
8. DO YOU HAVE PENDING APPLICATIONS IN OTHER COMPANIES?
This question is answerable by YES or NO. Pero madalas negatibo ang resulta kapag YES ang sagot.
9. HOW DO YOU HANDLE CRITISM?
Peraonalidad ang tutusukin dito. Kailangang positibo ang sagot. Dapat na isupalpal mo sa nagtatanong na masama man o mabuti ang kritisismo sa'yo ng mga kliyente, kapwa manggagawa o mga taong mas mataas ang posisyon ay kakayanin mong tanggapin at gamitin upang mas mapaunlad ang sarili.
10. GIVE A DIFFICULT WORK SITUATION AND TELL US HOW YOU OVERCOMED IT.
Alalahanin mo muna ang mga problema at kung paano mo nasolusyunan bago mo i-kwento upang hindi ka mautal at upang mas malinaw ang pagbahagi mo ng kwento. Pwede mong sabihin na may ibinigay sa iyong biglaan trabaho at kailangang matapos mo ito bago matapos ang office hour. Ilahad mo kung paano mo ginamit ang pinaghaong diskarte at time management. Madalas na gamitin dito ang PARADE o STAR method. Ipapasama ka sa parada at isasabit ka nila patiwarik sa ere na parang bituing walang ningning. Hahaha. Last joke ko na yun. Peksman, mamatay man ang mga salot na protektor ng mga droga sa buong Pilipinas. Ang Problem-Anticipated consequence-Role-Action-Decision-End result (P.A.R.A.D.E.) method at Situation-Task-Action-Result (S.T.A.R.) method.
11. HOW MUCH IS YOUR EXPECTED SALARY?
Dito mapagtatanto ng nagtatanong kung naaayon ba sa halaga mo ang halagang maaari nilang ilagay sa pitaka mo. Madalas ay pasado ang mas mababa ang hinihingi. Nakabatay din dapat ang sagot mo sa kung ano na ang napatunayan mo. Kung fresh graduate ka palang, huwag kang magsusuot ng price tag na hindi akma sa fresh graduate. Una, wala ka pang napatunayan. Pangalawa, wala ka pang napapatunayan. Fresh graduate ka man ng FEU, UP o Harvard ay wala ka pang napapatunayan.
12· ARE YOU WILLING TO WORK OVERTIME? NIGHTSHIFT?
Para sa mga taong labis ang pangangailangan sa pera ay pabor ito kaya't walang patumpik-tumpik pa boom karakaraka na OO ang isasagot. Ngunit kung ordinaryong tao na nagnanais na maging ordinaryong empleyado na may ordinaryong oras ng trabaho't pahinga ay mag-aalangan ka. Kung tinadtad mo na sila ng libong palusot ay siguradong bagsak ka na.
13· WHAT DO YOU KNOW ABOUT THIS COMPANY?
Hindi naman kailangang magpaka-Ernie Baron ka at isalaysay ang kwento ng kumpanya simula ng ito'y itatag hanggang sa kung paano itong mabubura dahil sa pagkagunaw ng daigdig ayon kay Nustradamus. Kahit unti lang ay sapat na. Sinubukan lang nila kung kinilala mo sila na pabor nga sa'yo dahil bukod sa mga Google application na sa cellphones ay malalaman mo agad kung legal pa o scam lang ang kumpanya. Kung legal, gora lang bestie. Kung sa tingin mo'y scam, huwag ka nang tumuloy dahil huhuthutan ka lang nyan ng pera tulad ng paghuthot ng mga macho dancer sa mga baklang patuloy na umaasa na magmahal at mahalin.
14· DO YOU HAVE ANY QUESTION?
Pinakahuling tanong. Upang matapos na ang usapan at upang ipagsigawang mas matalino sila kay Albert Einstein, madalas na "Wala na po" ang sagot ng mga aplikante. Pero kung iisipin, ang pagsagot ng "Wala na po" sa tanong na "Do you have any question?" ay mali. Dapat ay magtanong sa kumpanya para maramdaman nilang interesado ka talagang maging bahagi nila. Dito rin binibigayang pagkakataong magtanong upang paglabas mo'y hindi ka na magtatanong sa kapwa mo aplikante na baka hindi rin alam ang sagot o kung alam man ay hindi ka sagutin. Tulad mo'y aplikante din sila at kaagaw ka nila sa posisyon. Paligsahan. Kaya mas malabo pa sa mata ng matandang bulag na niligtas ni Super Tindero ang posibilidad na bahagian ka nya ng tamang impormasyon.
Nathaniel Naigan ( ADMIN)
Search This Blog
Nathaniel Naigan
Tuesday, October 10, 2017
Thursday, May 18, 2017
We Are Presently Living with the ALIENS? By: Nathaniel F. Naigan
We Are Presently Living with the ALIENS?
By: Nathaniel F. Naigan
Tayo ngayo'y nabubuhay sa mundo na pinapaikot ng agham at teknolohiya. Isipin mo nalang, kung walang cellphone at internet ay ano kaya ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon? Bukod sa mga makinang naiimbento upang mas mapadali ang proseso ng mga trabaho na sya namang rason kung bakit mas tumataas ang bilang mga unemployed sa maraming bansa ay may mga natutukasang mga produkto ang mga siyantipiko hindi lang para makapagbigay lunas sa mga karamdaman ng mga nilalang kundi upang makalikha ng bagong uri ng mga organismo.
Maliban sa nakawan, patayan, pang-aabuso sa kapwa, pagbubuntis ng dalagang kapitbahay, pangangaliwa ng mga asawa at kung anu-ano pang mga bad news ay maaaring nakarinig ka na ng kwento tungkol sa puno ng talong na nagbunga ng kamatis, heganteng papaya na pakwan ang laman at marami pang bagay na hindi pangkaraniwan. Wala nang imposible ngayon dahil sa agham. Kaya nga nung tinanung ko ang nililigawan ko kung kailan nya ako sasagutin at sumagot sya na "Kapag pumuti na ang uwak" ay hindi parin ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong maaaring pumuti ang uwak kahit hindi pagamitin ng glutation, whitening cream, whitening soap o whitening lotion na lahat ay hindi naman epektibo saking balat. Alam kong one of these days ay puputi rin ang uwak. May puti na ngang kalabaw dahil sa mutation eh.
At kapag nangyari yun ay maaari nyo na akong ihanay sa pangalan sa ni Nostradamus at sa mga lumikha ng palabas na The Simpson na pawang may kredibilidad sa pagbigay ng mga detalye sa hinaharap.
Kung hindi kayo pamilyar sa mga sa mga prediksyon ni Nustradamus at The Simpsons na nagkatotoo na'y malaya kayong makakapagsaliksik. Google2x din kahit walang time.
Unting pasensya lang sa internet connection na ang loading process ay mas mabagal pa sa pag-Hokage move ng taong torpe. Ewan ko ba. Naturingan pa namang isa ang Pilipinas sa mga bansang babad sa mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, blogspot at instagram pero sobrang bagal. Teka, kung may 1,000 grams sa isang kilogram... ilang grams mayroon sa instagram?
Medyo creepy na nga rin ang mga produkto ng teknolohiya tulad ng robot na halos tao na. Hindi ko tuloy maalis sa aking isipan na maaaring ilang taon mula ngayon ay baka maging makatotohanan na ang pelikulang Terminator kung saan ang mga robot na ang naghahari sa sanlibutan. Pero minsan ay ninais kong maging robot nalang para wala na akong maramdamang sakit. Sana ang taong mahal ko ay robot na rin para kusa nalang syang mamamatay kapag nagloloko na.
Isa pa marahil sa mga nais matuklasan ng mga eksperto ay ang teyorya ng extra-terrestial beings. Totoo nga bang may aliens? Bukod kay Superman na ipinanganak sa Planet Kryptonite at kay Son Gokou na ipinanganak sa Planet Saiyan ay may alien pa bang iba sa Planet Earth? Kasing losyang ba sila ng alien sa pelikulang ET o kasing cute ni Kokey na kapag nilagyan ng peluka ay magiging kamukha ko na dahil sa kutis.
May ilang taong nagbigay ng mga testimonya na nakakita na sila ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Ang ilan ay napatunayan nang gumawa lang ng kwento upang magpapansin samantalang ang iba ay nagpakita ng proweba kaya hindi kayang mapagbintangan na nagtatagpi-tagpi lang ng kwento. May mga kumakalat din na mga litrato at video sa facebook at youtube na nagpapakita ng mga aliens daw at UFOs daw. Ang ilan ay halatang likha lamang ng image editing ngunit ay nananatili parin tanong kung totoo nga ba.
Unidentified Flying Object o UFO ang tawag ng mga homo sapiens sa mga sasakyan di umano ng mga extra-terrestial beings. Madalas itong isalarawan na bilog na metal sa kalangitan na naglalabas ng liwanag. Ang mga bagay na ito ay hindi parin matukoy kung ano (Kaya nga UNIDENTIFIED flying object diba?).
Kung ano o sino man ang mga sakay ng UFO ay nakakasiguro akong mayaman sila (baka mga politikong yumaman dahil ginawang pagkakakitaan ang kaban ng bayan). Ilang bilyon ba ang nagastos ng NASA para makalakad sina Niel Arsmnstrong sa buwan ng ilang sandali noong (insert date) para sa (title of expedition). Isipin palang kung ilang litrong gasolina ba ang nakukunsumo ng mga UFOs para lang makarating sa planeta natin mula sa kung saang galaxy man sila nagmula. Mayaman! Samantalang ang mga motorista nga sa atin ay halos nais na ipatumba ang mga oil company sa tuwing tinataga sila ng dagdag presyo ng gasolina. Magpapa-gasolina tapos mauubusan sa tangke tapos magpapa-gasolina ulit tapos mauubusan ulit ng gasolina tapos magpapa-gasolina lang ulit tapos paulit-ulit lang.
Paano kung habang nasa byahe ay naubusan sila ng gasolina o di kaya'y nasiraan sila ng sasakyang pangkalawakan?
Alien 1: Alaw an oyat gn anilosag!
Alien 2: Naad oyat as Pluto. Yam Shell nood.
Nagpagasolina sa Pluto tapos naglakbay ulit. Pagdating sa Jupiter ay naubusan ulit sila ng gasolina
Alien 1: Nasubuan an naman oyat amgn anilosag!
Alien 2: Naad oyat as Jupiter. Akab yam Caltex o Petron nood.
Alien 1: Egis!
Nang mapuno ng gasolina ang tangke ay muli nilang ipinagpatuloy ay paglalakbay ngunit nasiraan sila ng sasakyan.
Alien 1: Yatap! Naarisan oyat! Siniak! Revo-taeh gna anikam!
Alien 2: Yam riaper pohs atay as Moon. Naad oyat.
Alien 1: Gnadnagam noysised! Arat!
Maraming haka-haka na may mga extraterrestial beings na tayong nakakasalamuha bawatvaraw ngunit lingid sa ating kaalaman dahil magaling silang magpalit ng anyo tulad ni Micheal V ng longest-running comedy show sa Pilipinas na Bubble Gang.
Minsan nga'y gusto kong bumisita sa Area 51 dahil doon diumano madalaa mamataan ang mga UFO. Napaisip tuloy ako. Bakit sa Area 51 lang eh mayroon naman kaming NAIA na pwedeng landingang ng kanilang sasakyan. Baka takot din silang mabiktima ng Tanim Bala Gang.
Bakit nga ba sila napaparito? Anong pakay nila? Hinahanap ba nila ang mga nawawalang Dragon Balls? Gusto ba nilang makuha ang secret recipe ng Crabby Patty ni Spongebob? Pumupunta ba sila dito upang masubaybayan ang mga Korean Nobela at mga award-winning Inde Films ng Pilipinas?
Ayon sa iba, ang mga alienzkie ay naghahanap ng planetang sasakupin upang maging bago nilang tirahan. Kung baga sa archery ay target.Naku! Kung totoo man yan ay kakailanganin na nating tipunin ang pwersa ng mga Mulawin, mga Sangre ng Encantadia, ang mga Abangerz, ang Moron 5, ang Aldub Nation, ang Pabebe Girls at ang Tatlong Bibe.
Pero wag naman sana tayong agad na maging judgemental. Hindi porke namataan natin sila dito ay type na nila ang ating planeta. Parang pag-ibig lang yan. Hindi porke madalas kang bisitahin ng crush mo ay mahal ka na nya. Mahirap umasa bes! Tapos kapag hindi tayo sinakop ay sasabihin natin na paasa sila tulad ng crush mo na kinakainisan mo na ngayon kahit na alam mo naman sa sarili mo na boluntaryo kang umasa. Tapos ano? Sisisihin mo na naman ang puso at utak mo na nagpakatanga? Sisihin mo na ang reproductive system, digestive system, nervious system, eco system, political system, solar system at lahat ng system na mababasa mo sa Encyclopedia Britanica pero sa huli ay mapagtatanto mo na ang dapat na sisihin ay ang mismong sarili mo.
Sa haba ng byahe ay siguradong nagutom sila at nakita nila mula sa bintana ng kanilang UFO ang logo ng Mcdo, KFC, Mang Inasal at Jollibee kaya naisipan nilang mag-order ng friend fries, burger, extra rice at fried chicken. Teka, ang mga manok ba sa Jollibee ay masaya kapag kinakatay kaya tinawag na Chicken Joy?
Malay ba nating summer o holiday sa kanila kaya sinasamantala nilang bumisita rito para bisitahin ang Disneyland, Enchanted Kingdom at rides sa mga pyestahang baranggay.
Minsan ay napaisip ako kung dala lang ng modernong kaisipan ang nagtutulak sa mga tao na lumikha ng mga konseptong may ibang nilalang na nabubuhay sa loob at labas ng Milky Way bukod sa atin. Sa walang limitasyon na pag-unlad ng teknolohiya ay kaya na rin nating makapaglikha ng mga ebidensya DAW upang mapaniwala ang ating kapwa.
Isang araw ay naisipan kong magbukas ng computer at gamit ang photoshop ay inilagay ko ang imahe ng isang grey creature sa aking litrato. Kung ako nga na hindi eksperto sa photo o video editing ay nakagawa ng ganun, ano pa kaya ang kayang gawin ng mga bihasa? I therefor conclude, hindi lahat ng pinapakitang ebidensya ay dapat nang paniwalaan tulad ng mga pinapakitang kabaitan ng mga plastik na kaibigan mo. #HayTek
Hindi nawawala ang posibilidad na bukod sa ating daigdig ay may iba pang lugar sa napakalawak na kalawakan na nabubuhay na organismo. Hindi lang tayo. Wag makasarili bes! Ano yun? Feeling mo tayo lang? Ang special someone mo nga na akala mo ay ikaw lang ang nag-iisa nya ay may mahal pang iba. Hindi stick to one, kung baga sa kape ay 3 in 1 o tulad ng Tang juice na maraming flavor. Tsk tsk.
Kapag nakikipag-break abg boyfriend o girlfriend mo at sinabing "I need space" ay tanungin mo kung astronaut sya. Kapag pinilosopo ka ng sagot na "Oo" ay gantihan mo na "Bakit mas mukha kang alien?" tapos walk-out na.
Kung meron lang sana talagang spaceship ang bawat tao ay baka hindi lang sa iba't ibang bahagi ng mundo nagpapakitang gilas ang mga Pinoy. Baka sa ibang planeta din.
Sino nga bang Pilipino ang hindi nakakakilala sa Miss Saigon na si Lea Salongga na naging reyna ng musical theater?
Pamilyar din ba sa inyo si Apl. De. Ap. na myembro ng Grammy award-winning group na The Black Eyed Peas? Narinig mo na ba ang boses ni Arnel Pineda na lead singer ng legendary American rock band na Journey? Naaalala nyo pa ba sna Jessica Sanchez, Jasmin Trias at Ramiele Malubay ng American Idol? Napanood nyo rin ba kung paano pinahanga ng Glee cast at Pyramid singer na si Charice Pempenco ang planet Earth?
Eh si Ella Nympha na matapos mag-kampyon sa The Voice Kids Philippines ay nakatanggap naman ng standing ovasion mula sa mga banyaga matapos awitin ang Chandilier ni Sia sa entertainment show na Big Shot ni Steve Harvey. Hindi rin dapat makalimutan ang grupong 4th Impact na kinabibilangan ng magkakapatid na Almira, Celine, Irene at Mylene Mercado na nagpatayo sa mga kapitagpitagang hurado na sina Rita Ora, Nicholas Grimshow, Cheryl Fernandez at ang kinakatakutan ng lahat na si Simon Cowell sa X Factor UK. Hindi rin makapaniwala ang buong mundo ang halos mga Filipino lahat ang naging finalists sa Asia' Got Talent. Ang mga Filipino finalists ay ang 10 year old songbird na si Gwynet Dorado, ang power house classical singer na si Gerphil-Geraldine Flores, ang spunky dance crew na Junior New System at ang naging kampyon na El Gamma Penumbra. Kita ang paghanga sa mukha ng mga hurado ng Asia's Got Talent na kinabibilangan ni Vaness Wu na myembro ng kinababaliwan dati naTaiwanese boyband F4, ang Sporty Spice ng grupong Spice Girls na si Melanie Chisholm, ang Indonesian and French singer-song writer na si Anggun Cipta Sasmi at ang Grammy Award winner na si David Walter Poster na isang Canadian musician at producer ng mga sikat na personalidad sa international music industry.
Kamusta na kaya si Rose "Osang" Fostanes na nagpahanga sa mga hurado ng The X Factor Esrael? Narinig nyo na ba ang ginintuang boses ni Joseph Apostol na nakapasok sa grupo ng Green Green Grass of Home at Delilah singer na si Tom Jones? Minsan din itinaas ng isang bulag na si Alienette ang moral ng mga Pilipino nang makatanggap ng standing ovasion mula sa manonood at sa mga hurado ng France Got Talent. Nandyan din si Marlisa Ann Punzalan ng X Factor Austrilia at ang mga Pilipinong sina Madonna Decena at Charlie Green ng Britain Got Talent.
Pinangarap ko ring kumanta at maabotang musical note na A5, C7 at D7. Kaya lang hanggang C2 lang ang kaya ko kasi P12.00 lang. Malamig pa katulad ng pakikitungo sa akin ng taong mahal ko.
Marami pang Pilipinong iwinagayway at iwinawagayway pa ang ating watawat sa mga dayuhang bansa bukod sa world-class talent ng dance crew na XV Gensan at Jabbawockeez ay nanyan din ang Pinoy co-director ng Pixar hit na Inside Out na si Ronnie del Carmen. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Universe na sina Pia Wurtzbach, Margarita Moran at Gloria Diaz. Ang nakasungkit ng korona na Miss World na si Megan Young. Ang nakasungkit ng korona na Miss International na sina Lara Quigaman, Kylie Verzosa, Melanie Marquez, Bea Santiago, Aurora Pijuan at Gemma Cruz. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Earth na sina Karla Henry, Angelia Ong at Jamie Herrell.
Pero ang pinaka-sikat talagang Pilipino marahil ngayon ay ang eight-division world boxing champion na si Manny "Pacman" Pacquiao. Sa tuwinang may laban sya ay nababawasan ang kriminalidad kasi ultimo mga holdaper, kidnapper, snatcher, serial killer at pain killer ay nanonood sa kanya. Sa araw din mismo ng kanyang mga laban ay nagiging maluwang ang daloy ng trapiko. May iba ngang munisipalidad na nagmimistulang ghost town kapag may laban sya kasi halos wala kang makitang tao na naglalakad sa mga lansangan dahil halos lahat ay nasa loob ng kanilang tahanan at nag-aabang sa kanilang telebisyon. Ang nakakatuwa kay Pacman ay bukod sa pagiging boksingero at isa rin syang businessman, actor at basketball player. Minsan na rin syang naging kongresista at naging senador naman. Ano na naman kaya ang susunod? Hmmmmmm.
Kung meron lang sana talagang spaceship ang bawat tao ay baka hindi lang sa iba't ibang bahagi ng mundo nagpapakitang gilas ang mga Pinoy. Baka sa ibang planeta din.
Sino nga bang Pilipino ang hindi nakakakilala sa Miss Saigon na si Lea Salongga na naging reyna ng musical theater?
Pamilyar din ba sa inyo si Apl. De. Ap. na myembro ng Grammy award-winning group na The Black Eyed Peas? Narinig mo na ba ang boses ni Arnel Pineda na lead singer ng legendary American rock band na Journey? Naaalala nyo pa ba sna Jessica Sanchez, Jasmin Trias at Ramiele Malubay ng American Idol? Napanood nyo rin ba kung paano pinahanga ng Glee cast at Pyramid singer na si Charice Pempenco ang planet Earth?
Eh si Ella Nympha na matapos mag-kampyon sa The Voice Kids Philippines ay nakatanggap naman ng standing ovasion mula sa mga banyaga matapos awitin ang Chandilier ni Sia sa entertainment show na Big Shot ni Steve Harvey. Hindi rin dapat makalimutan ang grupong 4th Impact na kinabibilangan ng magkakapatid na Almira, Celine, Irene at Mylene Mercado na nagpatayo sa mga kapitagpitagang hurado na sina Rita Ora, Nicholas Grimshow, Cheryl Fernandez at ang kinakatakutan ng lahat na si Simon Cowell sa X Factor UK. Hindi rin makapaniwala ang buong mundo ang halos mga Filipino lahat ang naging finalists sa Asia' Got Talent. Ang mga Filipino finalists ay ang 10 year old songbird na si Gwynet Dorado, ang power house classical singer na si Gerphil-Geraldine Flores, ang spunky dance crew na Junior New System at ang naging kampyon na El Gamma Penumbra. Kita ang paghanga sa mukha ng mga hurado ng Asia's Got Talent na kinabibilangan ni Vaness Wu na myembro ng kinababaliwan dati naTaiwanese boyband F4, ang Sporty Spice ng grupong Spice Girls na si Melanie Chisholm, ang Indonesian and French singer-song writer na si Anggun Cipta Sasmi at ang Grammy Award winner na si David Walter Poster na isang Canadian musician at producer ng mga sikat na personalidad sa international music industry.
Kamusta na kaya si Rose "Osang" Fostanes na nagpahanga sa mga hurado ng The X Factor Esrael? Narinig nyo na ba ang ginintuang boses ni Joseph Apostol na nakapasok sa grupo ng Green Green Grass of Home at Delilah singer na si Tom Jones? Minsan din itinaas ng isang bulag na si Alienette ang moral ng mga Pilipino nang makatanggap ng standing ovasion mula sa manonood at sa mga hurado ng France Got Talent. Nandyan din si Marlisa Ann Punzalan ng X Factor Austrilia at ang mga Pilipinong sina Madonna Decena at Charlie Green ng Britain Got Talent.
Pinangarap ko ring kumanta at maabotang musical note na A5, C7 at D7. Kaya lang hanggang C2 lang ang kaya ko kasi P12.00 lang. Malamig pa katulad ng pakikitungo sa akin ng taong mahal ko.
Marami pang Pilipinong iwinagayway at iwinawagayway pa ang ating watawat sa mga dayuhang bansa bukod sa world-class talent ng dance crew na XV Gensan at Jabbawockeez ay nanyan din ang Pinoy co-director ng Pixar hit na Inside Out na si Ronnie del Carmen. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Universe na sina Pia Wurtzbach, Margarita Moran at Gloria Diaz. Ang nakasungkit ng korona na Miss World na si Megan Young. Ang nakasungkit ng korona na Miss International na sina Lara Quigaman, Kylie Verzosa, Melanie Marquez, Bea Santiago, Aurora Pijuan at Gemma Cruz. Ang mga nakasungkit ng korona na Miss Earth na sina Karla Henry, Angelia Ong at Jamie Herrell.
Pero ang pinaka-sikat talagang Pilipino marahil ngayon ay ang eight-division world boxing champion na si Manny "Pacman" Pacquiao. Sa tuwinang may laban sya ay nababawasan ang kriminalidad kasi ultimo mga holdaper, kidnapper, snatcher, serial killer at pain killer ay nanonood sa kanya. Sa araw din mismo ng kanyang mga laban ay nagiging maluwang ang daloy ng trapiko. May iba ngang munisipalidad na nagmimistulang ghost town kapag may laban sya kasi halos wala kang makitang tao na naglalakad sa mga lansangan dahil halos lahat ay nasa loob ng kanilang tahanan at nag-aabang sa kanilang telebisyon. Ang nakakatuwa kay Pacman ay bukod sa pagiging boksingero at isa rin syang businessman, actor at basketball player. Minsan na rin syang naging kongresista at naging senador naman. Ano na naman kaya ang susunod? Hmmmmmm.
Friday, May 5, 2017
Mga Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos By: Nathaniel F. Naigan
Mga
Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos
By:
Nathaniel F. Naigan
DISCLAIMER:
Una
sa lahat, hinding hindi po ANTI-CHRIST ang naglathala nito at ang layunin nito
ay hindi upang manira o magtaas ng isang relihiyon o mamamahayag. Wag po sanang
ma-misinterpret. For all I know, hindi lang puro pagpuna ang nakasaad bagkus ay
nakapaloob din ang ilang magagandang aspeto. This is actually a CONSTRUCTIVE
REACTION.
Please
consider this as BLIND ITEM na rin sapagka't wala namang nabanggit na pangalan
ng sekta o personalidad. So kung sino mag-react, guilty. :-) Inaamin kong
kailangan ko ring maging maingat dahil ang relihiyon ay hindi lamang simpleng
usapin.
Naniniwala
rin po akong kaisa kayo sa layuning maitama ang mga baluktot na gawain ng ilang
mga tao na ginagamit ang Banal na Salita ng Diyos sa hindi wastong pamamaraan
ngunit hindi naman naipupunto ng ganap dahil sa kawalan ng pamamaraan at ang
iba nama'y natatakot din isiwalat. At siguradong may naengkwentro narin kayo sa
mga mababanggit na naging rason kung bakit lumipat kayo sa ibang relihiyon.
Hindi kayo nag-iisa. :-)
Paalala,
wala pong kinikilingan ang post na ito. Sa katunayan ay bago ko ilathala ito ay
ipinabasa ko muna ito sa ilang mga pari, pastor, ministro at diyakuno upang
maipasuri.
Isang
karangalan naman po kung may mga makita kayong baluktot na maaaring maitama.
PS:
Hindi
po ako banal dahil makasalanan rin ako pero tulad nyo'y batid ko rin naman
kahit papano kung ano ang tama at mali kaya nais ko rin sana ibahagi ito. Hindi
lang ang may mga mataas na posisyon sa kapatiran ang may karapatan. Batid ko
rin na maaaring isa sa mga araw na ito ay may mga religious leaders na pupuna
at kokontra sa post na ito dahil natamaan sila ngunit inuulit ko: WALA AKONG
BINANGGIT NA PANGALAN NG SEKTA O KAHIT SINONG PERSONALIDAD. :-) .
Muling
panawagan: Sana gamitin po natin ang Salita ng Diyos sa nararapat. :-) .
Salamat mula sa ordinaryong mamamayan.
-000-
Pssst!
Oo, ikaw nga! Paki-sagot nga:
Ginagamit
ka ba talaga ng Diyos o ikaw ang gumagamit sa kanya? Tsk tsk.
#REALTALK
Banal
banalan pa more! Ginamit pa ang Salita ng Diyos para maging kabanal-banal sa
utak ng mga kapwa-tao. Tsk tsk.
-000-
Mga
Sagradong Salita na HINDI DAPAT Ginagamit sa Kagaguhan:
1.)
Mahal kita
2.)
Patawad
3.)
Pangako
4.)
SALITA NG DIYOS
5.)
SALITA NG DIYOS
6.)
SALITA NG DIYOS
7.)
SALITA NG DIYOS
8.)
SALITA NG DIYOS
9.)
SALITA NG DIYOS
...
...
...
...
...
...
...
...
...
SALITA NG DIYOS!!!
...
SALITA NG DIYOS!!!
...
SALITA NG DIYOS!!!
PS:
Sa
mga banal banalan dyan na ginagamit ang Salita ng Diyos para makapagpa-impress
sa ibang tao:
WAG KANG MAKIPAG-USAP SA AKIN! BAKA MASUNTOK KITA! Tsk tsk.
Mga
Uri ng mga Namamahayag ng Salita ng Diyos
1.)The
RIGHTEOUS ONE
Mga
manunuro na isinasaad ang bawat detalye mula sa Banal na Kasulatan upang maakay
ang mga makasalanan tungo sa tamang landasin para sa ikakatuwa ng Diyos. Sya
ang tunay na mang-aakay.
2.)
The BUSINESSMAN
Siya
yung ginagamit ang relihiyon bilang INCOME-GENERATING PROJECT. Ipagbabawal ang
mga tindahan sa paligid ng simbahan/sambahan tapos sya ang maglalagay ng mga
tindahan ng mineral water, pagkain, panyo etc.
3.)
The BEGGAR
Hindi
naman bawal ang donasyon o abuloy sa simbahan/sambahan dahil para rin naman
iyon sa ikakabuti ng kapatiran ngunit may iba na halos kada-misa nalang ay
hindi nakakaligtaang talakayin ang ABULOY-RELATED DISCUSSION habang umiikot na
ang sobre, kahon, palanggana o di kaya ang armored vehicle ng bangko sa loob ng
pasilidad. Tsk tsk.
4.)
The GOOD SAMARITAN
Siya
naman yung gagamitin ang donasyon o abuloy upang makatulong sa kapwa. Hindi
lang para sa MULTI-MILLION-WORTH na checheburetche kundi para sa bahay ampunan,
blood-letting activities etc.
5.)
The SHADOW
Siya
yung magiging anino ni The Good Samaritan at gagamitin naman ang adhikain ni
The Good Samaritan para makapaglamang. Yung iba may mga magagara nang bahay,
sasakyan at mga business. Tsk tsk. Bad ka!
6.)
The ORGANIZER
Siya
naman ang gumagamit ng Salita ng Diyos upang makabuo ng organisasyon na maaari
nyang magamit para sa implementasyon ng isang hakbangin. Sana nga lang ay
mabuting hakbangin.
7.)
The FIGHTER
Minsan
ay ayos na magbitiw ng masasamang akusasyon sa kabilang relihiyon lalo na't
kung alam na baluktot ang tema ng relihiyong yaon. Ngunit may ilang manunuro na
wala nang ibang ginawa kungdi batikusin na ng batikusin ang ibang relihiyon to
the point na mas nangingibabaw na ang paninira kesa sa pagtalakay ng Salita ng
Diyos.
8.)
The POLITICIAN
Tatak
lalo na sa mga estudyante na may kursong "Law" o "Public
Administration" ang "SEPARATION OF STATE AND CHURCH" ngunit may
mga koneksyon parin po ito lalo na't ang buhay ng estado ay naaayon dapat sa
moral na pamantayan ng relihiyon. Ngunit may ilang manunuro na may pinapanigan
na pulitiko at minsa'y sobra naman na at animo'y POLITICAL COMMENTATOR na.
Nag-POLITICAL ANALYST ka nalang po sana.Yung iba, ginagamit ang relihiyon para
mag-advertise ng mga politiko. Tsk tsk.
9.)
The IMAGE
Siya
naman yung ginagamit lang ang Salita ng Diyos para maging kabanal banal sa
paningin ng kapwa. Tsk tsk.
10.)
The CONTRAST
Mamamahayag
na malupet sa pagtalakay at makidiskusyon kung Bibliya ang usapin ngunit
salungat naman sa ikinikilos. Dumadayo pa ng sabong, inuman at madjongan sa
malayong lugar na alam nyang walang nakakakilala sa kanya.
11.)The
MMK
Sya
naman yung naubos na ang dalawang oras na misa ngunit buhay parin nya ang topic
ngunit isang Bible Verse lang ang nabanggit nya (hindi pa na-explain ng
maayos).
12.)The
JOKER
Preacher
na ginagamit ang pagbibiro upang magising ang mga inaantok na kapatid sa
pananampalataya. Wag lang sanang sobrang katatawanan, baka magmukha nang comedy
bar ang simbahan.
13.)
The SECRET Agent
Yun
bang may ilang aral na hindi nya tinatalakay dahil kung mabanggit nya'y baka
magsialisan ang mga kaanib at mabawasan ang bilang ng kapatiran. Let them know
the truth. Kung bukal sa kalooban nila ang sumampalataya, labag man sa kalooban
nila ang tatalakaying nakasaad sa Bibliya, tatanggapin nila.
14.)
The MULTI-TASKER
Siya
yung kahit na maraming problema, maraming trabaho, maraming gawain na personal ay
patuloy parin sa pagtuturo ng Salita ng Diyos upang maibahagi ang gintong aral
ng Diyos at maisalba ang mga makasalanang tao.
15.)
The UNLIMITED ONE
Yung
preacher naman ito na pinapa-ulit-ulit at pinapa-ikot-ikot lang ang unting
pangungusap hanggang matapos ang buong samba hanggang sahalip na matuto ay
naiinip at napipikon nalang tuloy ang mga nakikinig. Isa o dalawa o tatlong
ulit ay sapat na sana. Narinig ko nga yung katabi ko na sinabing "Hindi
naman bingi o bobo ang nakikinig."
16.)
The BROTHER
Yung
tumutulong sa kapatid sa pananampalataya na hindi lang mapag-imbabaw at kahit
walang masyadong nakakakita. Yun ang pagtulong na bukal sa kalooban
AGAIN,
hinding hindi po ANTI-CHRIST ang naglathala nito at ang layunin nito ay hindi
upang manira o magtaas ng isang relihiyon o mamamahayag. Wag po sanang
ma-misinterpret. For all I know, hindi lang puro pagpuna ang nakasaad bagkus ay
nakapaloob din ang ilang magagandang aspeto. This is actually a CONSTRUCTIVE
REACTION.
Please
consider this as BLIND ITEM na rin sapagka't wala namang nabanggit na pangalan
ng sekta o personalidad. So kung sino mag-react, guilty. :-) Inaamin kong
kailangan ko ring maging maingat dahil ang relihiyon ay hindi lamang simpleng
usapin.
Naniniwala
rin po akong kaisa kayo sa layuning maitama ang mga baluktot na gawain ng ilang
mga tao na ginagamit ang Banal na Salita ng Diyos sa hindi wastong pamamaraan
ngunit hindi naman naipupunto ng ganap dahil sa kawalan ng pamamaraan at ang
iba nama'y natatakot din isiwalat. At siguradong may naengkwentro narin kayo sa
mga nabanggit na naging rason kung bakit lumipat kayo sa ibang relihiyon. Hindi
kayo nag-iisa. :-)
Paalala,
wala pong kinikilingan ang post na ito. Sa katunayan ay bago ko ilathala ito ay
ipinabasa ko muna ito sa ilang mga pari, pastor, ministro at diyakuno upang
maipasuri.
Isang
karangalan naman po kung may mga makita kayong baluktot na maaaring maitama.
PS:
Hindi
po ako banal dahil makasalanan rin ako pero tulad nyo'y batid ko rin naman
kahit papano kung ano ang tama at mali kaya nais ko rin sana ibahagi ito. Hindi
lang ang may mga mataas na posisyon sa kapatiran ang may karapatan. Batid ko
rin na maaaring isa sa mga araw na ito ay may mga religious leaders na pupuna
at kokontra sa post na ito dahil natamaan sila ngunit inuulit ko: WALA AKONG
BINANGGIT NA PANGALAN NG SEKTA O KAHIT SINONG PERSONALIDAD. :-) .
5OO PESOS Short Story
5OO PESOS Short Story
Disclaimer: Nabasa ko lang. Just usual chain story lang marahil sa iba pero tumatak sa utak ko ang kwentong ito.
ANAK: Tay, pwede bang mag tanong?
TATAY: Sige anak, ano yon?
ANAK: Magkano 'tay sweldo mo kada araw?
TATAY: Di mo na dapat paki-alaman yon! Bakit mo naitanong ang ganyang tanong??
ANAK: Please 'tay, gusto ko lang po malaman sweldo mo sa isang araw.
TATAY: Kung alam mo lang, sumasahod ako ng 500 pesos isang araw.
ANAK: Ohhh.. (napa yuko ang ulo)
ANAK: Ah 'tay! Pwede bang maka hiram ng 20pesos?
Medyo inis na napa-isip yung tatay.
TATAY: Kung ang dahilan mo ng pagtatanong kung magkano sahod ko kada araw ay yang walang kwentang dahilan mo at para maka bili ka ng laruan mo, pumunta ka na lang ng kwarto at matulog! Nagpapaka hirap ako mag trabaho araw-araw para lang sa makasariling dahilan na yan?
Tahimik na pumasok ng kwarto ang bata at isinara ang pinto. Umupo ang tatay at mas nainis pa habang iniisip ang tanong ng bata. "Pano niya naisip na magtanong kung magkano sahod ko kada araw para lang mangutang?"
Pagkatapos ng isang oras huminahon ang tatay at nag isip uli bakit siya natanong ng bata. "Baka naman kaya nanghihiram ng pera ang anak ko ay may kailangan talaga siyang bilhin na importante dahil madalas di siya humihingi sakin." Pumunta sa kwarto ng bata at binuksan ang pinto.
TATAY: Anak, gising ka pa ba?
ANAK: Opo 'tay gising pa ko.
TATAY: Iniisip ko anak na baka kaya ka nanghihiram ng pera ay baka may bibilhin kang importante talaga. Baka masyado ko naging mainitin kanina. Eto na ang 20 pesos na hinihiram mo.
Tumayo ang bata at ngiting ngiti.
ANAK: Ohhh.. Salamat po 'Tay!
Tapos may kinakapa sa ilalim ng unan ang bata at nakuha ang mga lukot na perang papel. Nakatitig ang tatay at mas lalong nagalit na sa bata. Dahan dahang binilang ng bata ang lukot na perang papel at tumingin sa tatay.
TATAY: (pagalit) Bakit kailangan mo pang manghiram ng pera kung meron ka naman na pala?
ANAK: Dahil hindi po sapat ang perang naipon ko, pero ngayon po sakto na Tay.. 'Tay, meron na po akong 500 pesos. Pwede ko po bang bayaran ang isang araw mo bukas para makasama at makalaro man lang kita maghapon? Gusto po kita makalaro.
Natulala ang saglit ang tatay, tumulo ang luha. Pagkatapos, niyakap niya ng mahigpit ang bata. Humingi ng tawad sa lahat, lalo sa kawalan niya ng oras para sa anak.
Wednesday, May 3, 2017
"K" By: Leinahtan Nagian
"K"
.
.
LETTER "K", 11th letter sa English alphabeth, ikatatlong mabibigkas sa alpabetong Filipino. Isang letra nga lang marahil sa iilan. Ordinaryong letra na ginagamit ng mga ordinaryong tao sa mga ordinaryong pangungusap. Nguni't ang letrang ito ay madalas rin maging rason ng pagkainis sa iilan.
Reader1: Weeeeee?
Text Message Recieved
Sender: Maine My Labz
Message: K
Yung feeling na nagkakaroon kayo ng diskusyon sa SMS ng taong mahal mo dahil sa isang bagay na hindi ninyo napagkasunduan. Sa sobrang pagnanais na mailabas mo ang lahat ng hinanakit mo kaya ang mensahe na pinadala mo sa kanya ay tila mas mahaba pa sa libro ng Iliad at Odyssey ni Homer o Romeo and Juliet ni Shakespear o di kaya'y Noli Me Tangere at El Filibusterismo ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal. Naghintay ka pa ng ilang dekada sa reply nya. Apat na halalan na ang lumipas; pumuti na ang uwak at tumamis narin ang tubig dagat sa Boracay Island pero waley parin reply. Tapos nag-TOTOT TOTOT na nga. At dahil nataranta ka nung tumunog ang message tone ng cellphone mo ay muntik mo pa mahulog sa baso ng Starbucks na ang laman naman talaga ang tigti-twelve pesos lang pala na 3 in 1 white coffee (sosyal-sosyalan effext lungz). Tapos pagbukas mo ng inbox mo ay.... "K" lang ang reply nya? What does the f*ck say? Tenenenenenenenenennenen....
Kung ikaw ang nasa sitwasyon, maiinis ka rin ba o maiinis? Hmmmmm. Hulaan ko, maiinis ang sagot mo. Tama? Yahoo.com! Sabi na, parehas ang dugo na dumadaloy sa mga baricos vein namin ni Nostradamus. Hahaha.
Instantly, gusto mong ipalamon ang girlfriend/boyfriend mo sa dambuhalang dinasaur na may tustadong tagyawat sa kasuluksulukang ingron sa kuko. Tsk tsk.
At dahil mahal mo sya at gusto mong humaba pa ang listahan ng utang... este humaba pa ang usapan nyo ay magsesend ka ulit ng mahabang mensahe para may topic kayo. Tapos maghihintay ka ulit na mag-evolve ang bagong generation ng homo-sapiens into a Picachu or Doreamon at tsakaness ka makaka-recieve ng reply na ang laman lang naman ay "K" lang naman ulit. Hay naku kuya Kardo!!!!
At dahil... <some text missing> ...
Saturday, April 29, 2017
GREATEST VILLAIN OF ALL TIMES By: Nathaniel F. Naigan
GREATEST VILLAIN OF ALL TIMES
By: Nathaniel F. Naigan
Kamakailan lang ay binisita ako ng isang panaginip. Nasa gitna daw ako ng madugong sagupaan. Ngunit hindi ako ang bida sa pagkakataong yaon. Sa katunayan nga'y kalaban ko sila Captain Barbell, Darna, Super Inggo, Lastik Man, Super Islaw, Juan Dela Cruz, Krystala, Flash Bomba, Super Inday, Agimat, Enteng Kabisote, Vultra, Gagamboy, Pedro Penduko, Kamandag, Kumander Bawang, Super Twins, Joaquin Bordado, mga Batang-X, Dragona at si Panday. Samantalang kaanib ko naman sa paghahasik ng lagim ang White Lady sa Balete, Valentina, Kamatayan, Maria Labo, Halimaw sa Banga, Chaka Doll, Lucia Joaquin, si Haring Hagorn at ang mga Hathor sa Encantadia, Mga Ravena na kalaban ng mga Mulawin, ang Anak ni Janice, mga kapre, itim na dwende, baklang tikbalang, ang haggard na aswang, mga drug lords, mga terorista at mga pusang inaatake ang tinatago nating ulam sa kalaliman ng gabi.
Habang nakikipaglaban ay naisip kong maaari pala tayong gumawa ng isang grupo ng mga Pinoy Superheroes at Pinoy Super Villains na maaaring ipangtapat sa mga fictional characters ng mga banyagang bansa (kahit na karamihan ay kaparehas ng itsura at kapangyarihan sa mga superheroes ng DC at Marvel comics).
Sa huli'y natalo kami, hindi nagwagi ang mga kampon ng kadiliman. Narinig ko pang nagsihiyawan sa saya ang mga nanonood sa laban na para bang nanalo na naman si Manny "Pacman" Pacquiao laban sa isa na namang kampeon na Mexican boxer.
Kung si Batman at Deadpool ang paborito kong fictional characters sa comics, may mga paborito rin akong villains: si Joker at si Thanus.
"Why so serios?," pakiramdam ko'y bumubulong sa akin si Joker sa tuwinang nakabusangot ang aking napakapangit na mukha dahil sa pinaghalo-halong stress sa trabaho, kakapusan sa pera, sobrang bagal na daloy ng trapiko, polusyon at dahil na rin sa pagtubo na naman ng mga aking tagyawat.
Tulad ni batman ay wala ring kapangyarihan ang henyong payaso ngunit tinagurian na syang GREATEST VILLAIN OF ALL TIMES. Alam nyo bang tulad ng Justice League ay may grupo o asusasyon din ang mga makapangyarihang kontrabida sa DC comics? At sa tuwinang magkakaroon sila ng pagpupulong ay hindi nila iniimbitahan si Joker dahil kinakatakutan nila ito. Ang mga super villains na may super powers ay nangangatog ang tuhod sa tuwing naririnig ang pangalan ng mahinang payaso. Ngunit tulad sa totoong buhay ay may kahinaan din si Joker at yan ay ang pagmamahal nya kay Harley Quinn. KILIG MUCH!!! Mas napatunayan ko tuloy na ang kahinahan talaga ng mga lalaki ay mga babae. Kaya kayong mga babae, wag nyo namang samantalahin ang kahinaan namin. Hehe.
Paborito kong qoutes ni Joker ay ang “They need you right now, but when they don’t, they’ll cast you out like a leper!” na nagsasaad ng reyalidad na VIP ka lang sa paningin ng mga taong nakapaligid sayo kung may kailangan sila. Pero kung wala na, isa ka nalang kapirasong basura na itatapon nalangbkung saan-saan. Hustisya! May proper waste management system na! I-segrigate ang mga biodegradable at non-biodegradable. Kung may kaibigan kayong masyadong mapapel, sa biodegradable nyo itapon. Kapag may kaibigan kayong plastik, sa non-biodegradable nyo itapon. As simpol as dat!
Madalas ko ring gamitin sa mga speech ko kapag may mga event ang “We stopped checking for monsters under our bed, when we realized they were inside us.” Tama! Pilit nating hinahanap ang kamalian sa iba na hindi iniisip na may sarili rin tayong kamalian na mas mali pa sa mali ng ibang taong nagkakamali. Naghahanap ka ng mga rason upang maipilit na ang iyong kapwa ay halimaw ngunit tingnan mo ang iyong sarili. Baka nga mas masahol ka pa sa mga halimaw na tinuturing mong napaka-sahol. Tama! May mga halimaw sa loob natin na habang maaga pa'y kailangan nating puksain.
Isa pa sa mga paborito kong super villain ay si Thanus na syang kalaban naman ng Avengers, Guardians of the Galaxy at ni Dr. Strange na sana'y kilala nyo rin. Tagasakop ng sangkalawakan, yan si Thanos at ang nagbibigay sa kanya ng ibayong kakayahan ay ang Infinity Gauntlet, isang ginintuang glove na may anim na batong nakakabit. Ang mga batong ito ay ang Infinity Stones na may iba't ibang kulay at iba't ibang kakayahan.
Kung nasa kostodiya ko lang ang Infinity Gauntlet na yun ay gagamitin ko ang mga batong nakakabit dito hindi upang sakupin ang buong kalawakan kundi upang gumawa ng mas kapaki-pakinabang na mga bagay. Gagamitin ko ang ang mga bato upang maging si Darna... este gagamitin ko ang mga batong yun ayon sa kanilang kakayahan tulad ng mga sumusunod:
1. SOUL Stone-ang kulay berde na batong ito ay may kakayahang kontrolin ang mga kaluluwa, kunin man ito sa isang katawan o ibalik mula sa hukay. Hindi ko nanaising kumuha ng buhay ng kaluluwa lalo na ng mga walang kwentang tao na ang tanging ambag lamang sa siyudad ay kriminalidad at katiwalian. Sahalip ay muli kong bibigyan ng buhay ang mga sanggol o magiging sanggol pa lamang sana ngunit ipinalaglag at itinapon lang sa mga basurahan hindi upang maging tiyanak sila bagkus ay makamtan nila ang karapatang masilayan ang mundong ibabaw, karapatang ipinagkait sa kanila ng mga makasalanang magulang. Muli kong ibabalik ang kaluluwa ng mga bayaning minsan nang naging instrumento upang makamtan ang kasarinlang animo'y wala nang halaga sa kasalukuyan para sa iba. Huhugitin ko mula sa kalangitan ang pambansang bayani na si Pepe nang sa gayo'y saba'y naming isusulat ang karugtong ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na ipambabato namin sa bagong henerasyon. Muli kong bubuhayin ang mga myembro ng SAF 44 na namatay sa engkwentro sa Mamasapano at ang mga kabaro kong personalidad ng medya na pinagpapapatay ng pinaghihinalaang mga tao ng mga Ampatuan. Sana. Sana. Sana lang ay hindi maging Walking dead, World War Z, Resident Evil at Zombie Land ang tema ng Pilipinas kung gamitin ko ang SOUL Stone. Hehe.
2. REALITY Stone-ang kulay dilaw na batong ito nama'y kayang imanipula ang kalagayan ng utak mula sa pangarap patungo sa reyalidad. Masaya siguro kung bawat pulubing natutulog sa tabi ng mga lansangan ay magkaroon ng sariling tahanan. Maginhawa siguro kung ang matrikula sa mga paaralan at mga gamot sa pagamutan ay hindi nakakabutas ng pitaka. Mas nakakatuwa marahil kung ang aatupagin ng mga iniluklok nating mga opisyales sa pamahalaan ay ang pagbigay ng serbisyo, proyekto at mga polisiyang mas mapapakinabangan ng lipunan at hindi puro personalang bangayan. Mainam siguro kung walang bibili't magpapabili ng sagradong boto at walang dayaan sa bawat halalan. Kayganda pagmasdan ng mundong luntian at hindi puro kahong bato na nagtataasan. Lahat ng mga iyan ay nais kong maging makatotohanan. Isang pangarap, malaking pangarap. Ngunit paano kung ang imposibleng pangarap ay maisasakatuparan gamit lang ang isang bato?
3. TIME Stone-ang kulay orange na batong ito'y kaya kang ibalik sa nakaraan at dalhin sa hinaharap. Kung mayrun ako nito, gagamitin ko ito upang bumalik sa nakaraan upang muli kong matunghayan ang mga pangyayari sa buhay ko dati hindi upang may baguhin dahil sa mga memoryang yaon nagmula ang ediyolohiya ko ngayon. Nais kong makita ang reaksyon ni mama at papa nung ako'y isinilang nung madaling araw sa ika-pito ng abril taong 1993 sa Batasan Hills, Quezon City. Nais kong balikan ang mga araw na masaya akong nakikipaglaro sa mga kababata ko. Mga panahaong walang problema sa trabaho, bayarin sa tubig at kuryente, mataas na buwis, pagtaas ng presyo ng langis, pulitika at terorismo. Nais kong muling masilayan ang inosente kong mukha sa tuwing nakaka-shoot ng bola si Sakuragi ng Slum Dunk, sa tuwing natatalo ni Son Gokou ng Dragon Ball, Gon ng Hunter X Hunter, Recca ng Flame of Recca at Eugene ng Ghost Foghter ang kani-kanilang mga kalaban. Nais kong makita ang pawisang bata na ako na naglalaro ng football, piko, maiba-taya, tagu-taguan, yoyo, mini-text, beyblade at Yu-Gi-Oh duel cards. Nais kong makita ang namumula kong maitim na mukha sa tuwing nakikita ko ang crush ko nung hayskul. Nais kong muli na mag-organisa ng mga seminar, team building activities, quiz bee, singing contest, pageant, dula-dulaan, intramurals at iba pang mga aktibidad sa kabila ng kaalamang medyo napabayaan ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo dahil sa mga extra-cullicular activities. Marami rin akong pangit na mga nakaraan na nais kong balikan pero hindi ko babaguhin kung bigyan man ako ng pagkakataon. Dahil ang aking nakaraan ang mga pahina ng libro ng aking buhay. Mapunit o mawala man ang kahit isang pahina'y kulang na ang kwento ng aking libro na puno ng kalokohang aral.
4. MIND Stone-ang kulay bughaw na batong ito ay maaaring mabigyan ng kakayahan ang sino mang may hawak ng abilidad na makabasa o kontrolin ang utak ng mga nilalang sa buong kalawakan. Gagamitin ko ito upang gabayan ang isipan ng mga motorista upang maging responsable sa pagmamaneho ng kanilang mga sasakyan nang sa ganun ay wala nang aksidente o mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsada. Isa marahil sa mga hadlang sa pag-abante ng ating bansa ay ang mga pader na bumabalot sa bawat lider magmula sa baranggay hall, municipal hall, city hall o maging ng Malacañang. Kung ako 'y magiging kapitan, konsehal, alkalde o bise alkalde, bokal, gobernador o bise gobernador, kongresista o maging presidente ng Republika ng Pilipinas at gagamitin ko itong bato ay maaari kong marinig ang inahing ng bawat Juan Dela Cruz, maririnig ko ang hikbi ng mga pamilyang kumakalam ang sikmura, mababasa ko ang punto de vista ng mga mag-aaral na nagsisiksikan sa maliit na kahon ng posporong walang sapat na silya at aklat, matatanto ko ang damdamin ng mga lokalidad na sinalanta ng malalakas na bagyo at biktima ng mga lindol, maririnig ko ang bawat hagulgol ng mga inosenteng mamamayan na naiipit sa mala-forever na mga bakbakan sa pagitan ng mga militar ng pamahalaan at mga makakaliwa. Kung meron ako ng batong ito ay dudurugin ko't ipapamahagi ko sa mga pinuno ng bawat opisina ng gobyerno.
5. SPACE Stone-ang kulay ube na batong ito ay may kakayahan namang kontrolin ang distansya at mga elementong bumubuo sa bawat distansya. Kung meron lang sana ako nito'y makakapunta ako sa mga lugar na nais kong puntahan. Hindi ko na kailangang mabwesit sa mabagal na daloy ng trapiko sa pagpasok sa trabaho. Madadala ko na rin ang pamilya ko sa Eiffel Tower ng Paris, Pyramid of Giza ng Egypt at Statue of Liberty ng USA. Pero mas uunahin ko paring bisitahin ang Luneta Park, Cagsawa Ruin at Mayon Volcano ng Albay, mga butanding at mga hot spring ng Sorsogon, Boracay Island ng Aklan, Enchanted River ng Surigao, Crystal Cave ng Palawan at pupuntahan ko rin Spratly Island sa West Philippines Sea upang ibandila ang watawat ng Pilipinas sabay papalayasin ang mga banyagang umaangkin sa teritoryong dapat ay sa atin. Aaraw-arawin ko rin tiyak ang pagbisita sa mga pinaka-masayang lugar sa buong mundo tuwing tanghalian, ang studio ng Eat Bulaga ng GMA at Its Showtime ng ABS-CBN. Ang sarap siguro ng pakiramdan kung may Space Stone ako.
6. POWER Stone-ang kulay pulang batong ito ay may kakayahang magbigay ng ibayong lakas sa sino mang may hawak nito at ibahagi ang lakas sa kapwa. Kung meron ako ng ganitong bato ay gagamitin ko ito para bigyan ng lakas ang mga taong nanghihina na dahil sa tila wala nang katapusang pagsubok ng buhay. Bibigyan ko ng lakas ang mga nawawalan na ng pag-asa. Bibigyan ko ng lakas ang sambayanan para malagpasan ang mga krisis ng ating bansa.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Popular Posts
-
Iba't Ibang Uri ng Tao sa Loob ng Jeepney By: Nathaniel F. Naigan Alin... Alin... Alin... Alin ka sa kanila? Whahaha!!! 1.)The D...