PANGIL ng KASAKIMAN
By: Nathaniel F. Naigan
Di kelan man pinahihintulutan
Na isukob ng wagas yaring riwasa.
Sa pangpang ng karimlan
Ako’y nananaghoy,
Ligaya ng sinukob
Saking saplot ay isaboy.
Nais ko’y masamyo
Simoy na naghuhumiyaw
At lagpasan yaring sagwil
Na sa akin ay nagpapapusyaw.
Labis na panibugho ay rumaragasa
Na taglay nitong taludtod at mga talata
At tumataginting sa bawat parirala.
Suklam na aking kamit buhat pa simula,
Suklob ang talastas ng bawat kasawian
Na noo’y pinupuon ay pangil ng kasakiman
Karunungang ginto dati’y di nais samsamin.
Sa rosas ng dilim, ako’y nagpaalipin
“Di kelanman pahihintulutan ang
kasamaan,”
Yan ang napagtanto buhat sa nakaraan.
Sa rurok ng buhay may pag-asang tumatanglaw
Ngunit ito ay di na abot ng aking tanaw.
No comments:
Post a Comment