Mga
batis at karagatang dati ay kayganda,
Ngayo’y
nababalot at puno ng basura.
Halimuyak
ng rosas ngayo’y hindi alintana,
Pagkat
sa dalamhati lahat ay lumuluha.
Ang
pagal na puso ay may hinagpis,
Damdamin
at at konsensya sa akin ay lumilitis.
Lagablab
ng paghihirap, sa isip ay nakalimbag,
Buntot
na bahag, ako ngayoy naduduwag.
Batingaw
ng kampana ay aking naririig,
Salitang
“patawad” tangi ang bukambibig.
Liwanag
ng pag-asa, as aki’y hindi maaninag,
Bagama’t
ang iba ay nagbibigay habag….
WAKAS