Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Nathaniel Naigan ( ADMIN)

Search This Blog

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan

Friday, October 7, 2016

KALOKOHAN sa HALALAN By: Nathaniel F. Naigan




 KALOKOHAN sa HALALAN
By: Nathaniel F. Naigan
                                                                                                            

Ako po si NAT2x, isang pulitiko.
Nais makuha’y sagrado mong boto.
Kakamustahin ka kahit hindi kakilala,
Aakbay sabay selfie at ia-upload na.

Likes and comments plus isi-share pa,
Ang istratehiya sa aking kandidatura.
Oh please, ako ay iboto mo ha,
Upang ako’y makakurakot na.

Hoy parekoy, ako si HAN2X.
Ako’y tatakbo sa nalalapit na halalan
Ito ang panahong labis na pinaghandaan.
Todo sa kampanya’t gagastos ng kayamanan

Magbibigay komentaryo sa TV o radyo
Titirahin ko ang kabilang partido
Hangga’t mamamaya’y aking maloko.
Mapanlinlang na adhikai’y ipagpapatuloy ko.

Maam and Sir, Mr. NIEL at your service
Walang nagawa ngunit sa gawa’y labis.
First time tumakbo sa ganitong posisyon.
Kung baga sa bahay, walang pundasyon.

Parang estudyanteng mag-o-OJT.
Magti-training pa lamang ng mga diskarte.
Gamit kaban ng bayan sa mga expirement
Kahit di pa alam salitang “management”.
                                                                                                                            

Kaya mo bang mag-BAKA SAKALI?
Baka boto mo saki’y kahirapan ang sukli.
Pero malay mo ako na ang solusyon
Sa gobyernong tawag ay bahay ng kurapsyon.

Kamusta na? Ako si Donya NAna
Sa puso ninyo’y nagmamakaawa.
Iiko’t sa palenke’t makikipagkamay
Ta’s mandidirit parang mahihimatay.


Pera na bente plus isang daan
Di lingid na pinaka-madaling paraan
Upang kayo’y mauto’t maging sunod-sunuran.
Pipiliin sa balota’y sosyal kong pangalan.

IGAN is my name mga kaibigan
Pag-akyat sa intablado’y magpapalakpakan.
Mahihipnotismo sa makasalanang dila
Na nililikha’y matatamis na salita.

Kasinungalingan ko’y hindi halata
Pagka’t akin ang sentimyento ng madla.
Mga kalaban ay aking binibira
Syempre ang gamit ay black propaganda.

NATnat, THANtan, Mr.NIEL, Donya Nana at IGAN
Limang mukha ngayong halalan.
Sinong mananaig sa tunggalian?
Sino nga bang hindi dapat tularan?

Botong sagrado’y hindi dapat bayaran.
Kinabukasan ng bayan ay ating ingatan.
Bago pumili’y dapat pag-isipan.

Obligasyong dapat panghawakan ng bawat mamamayan.



Editorial Cartoon Credit:
http://gallery.sunstar.com.ph/Editorial-Cartoons/i-F8t2tpm

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Nathaniel Naigan

Nathaniel Naigan